Ano Ang Mga Halimbawa Ng Pasuysoy? (Sagot)
HALIMBAWA NG PASUYSOY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na balangkas na pasuysoy.
Ang uri ng balangkas na ito ay naglalarawan na ang mga naunang taludtod ay tumutulong lamang upang ipahiwatig ang isang pahayag. Ito rin ay ginagawa patungo hanggang sa huling linya.
Kadalasan, nasa panghuling taludtod lamang mauunawaan ang tunay na paksa o diwa ng isang tula o balangkas. Heto ang mga halimbawa:
Isda akong gagasapsap,
Gagataliptip kalapad;
Kaya nakikipagpusag,
Ang kalaguyo’y apahap.
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.
Ang Mahal kong prinsesa
Ba’t diyan ka nakaupo
Di’ bagay sa lamesa
Ang kasoy’ nagyuyuko
Samantala, ang balangkas na patimbang naman ay nahahati sa dalawang timbang ang saknong. Kadalasan may dalawang pangkat ito at may pagkakahawig ang tema ng balangkas. Halimbawa:
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.
Tunay na kayamanan
Hindi nakukuha sa pera lamang
Kundi sa pagmamahalan
Na hindi mababawasan
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Patimbang – Balangkas Na Patimbang