Ano Ang Mga Halimbawa Simulain Ng Komunikasyon? (Sagot)
SIMULAIN NG KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano-ano ang mga halimbawa ng simulain ng komunikasyon.
Alam nating lahat na ang komunikasyon ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng isang lipunan. Ito ang isa sa mga paraan kung paano tayo magkakaintindihan. Pero, hindi lamang ito nakikita sa paraang berbal.
Iba’t-iba ang mga paraan ng komunikasyon at marami itong simulain. Sa ating lipunan, ginagamit natin ang komunikasyon para tuklasin ang katotohanan, pagkuha ng impormasyon, at marami pang halimbawa.
Ang buong konsepto ng komunikasyon ay nakabatay sa dalawang bagay: Encoding at Decoding. Ang pag encode ay ang mensahe na pinapadala. Paano ang mga salita inaayos, anong wika, lenguahe, o diyalekto ang ginamit. Samantala ang pag decode naman ang pag-intindi ng mensahe.
Subalit, kailangan rin nating tandaan na ang proseso ng komunikasyon ay nagbabago. Sa panahon ng mga sinaunang tao, ang instrumento ng kominikasyon ay ang kilos katawan lamang. Pagkatapos, ito’y umunlad sa pagsulat ng simbolo at dahan-dahang umunlad sa pagsasalita.
Ang Simulain ng Komunikasyon ay meron ring “flow” o daloy. Ito’y nag sisimula sa pinanggalingan o ang source. Pagkatapos, pinapadala ng source ang “mensahe” gamit ang medium na kanyang gusto. Sa huli, ito ay matatangap ng tinatawag na “receiver”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Bayani Ng Kasalukuyang Panahon – Halimbawa At Iba Pa!