Halimbawa Ng Karunungang-Bayan Na Makikita Sa Ating Paligid
KARUNUNGANG-BAYAN SA ATING PALIGID – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng karunungang-bayan na makikita sa ating mga kapaligiran.
Ang mga karunungang-bayan ay mga kwento, salawikain, alamat, kasabihan, at iba pang likhang panitikan na naipasa sa atin ng ating mga ninuno. Araw-araw ay may makikita tayo o maririnig na mga karunungang bayan sa ating kapaligiran.
Isang halimbawa nito na madalas nating makita ay ang mga salawikain katulad lamang ng “Matalas Ang Dila”. Heto ang kadalasang tawag sa mga taong masakit mag salita. Kung ikaw ay nasa paaralan, nasa trabaho, o kahit saan man, may makikita kang taong masakit mag salita.
Isa rin sa mga madalas nating makikita sa ating paligid ay ang mga bugtong. Halimbawa: “bolang maliit,lalim ng dagat nasusulit”. Ang sagot sa bugtong na ito ay pusa na laging nating makikita.
Kung tayo naman ay nasa mga pang-turistang lugar sa bansa, ating makikita ang mga nilalaman ng mga alamat at mga mito. Ito’y dahil ang mga alamat at mito ay nakabase sa mga tutoong lugar ng ating bansa. Pero, dahil wala pang siyensiya, ginamitan nila ito ng kwento upang ipaliwanag kung paano nagawa ang mga isla, bukid, at ipa pang lugar sa bansa.
Bukod rito, ang mga kasabihan siguro ang pinaka madalas nating makitang karunungang-bayan sa ating paligid. Ito ay dahil sa ugali ng mga Pilipino na maging mapangalaga sa kapwa. Dahil dito, madalas tayo sinasabihan ng ating mga magulang, kaibigan, at mga mahal sa buhay ng mga payo na ating magagamit sa buhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Pangungusap Langkapan Halimbawa At Kahulugan Nito