Ang Magtanim Ng Galit, Galit Din Ang Aanihin Paliwanag
KASABIHAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng kasabihang “Ang magtanim ng galit, galit din ang aanihin“.
Sa Ingles, ito ay mahahalintulad sa kasabihang “you reap what you sow”. Ito ay nangangahulugan na kung ano ang iyong itatanim, iyon rin ang iyong aanihin. Kaya naman, kung ikaw ay tatanim ng kabutihan, kabutihan rin ang makukuha mo.
Ito ay dahil ang ating mga pag-iisip ay maihahantulad natin sa isang lupaing masagana. Dahil dito, kung tayo ay magtatanim sa ating kaisipan ng masama, madali lamang itong tumubo at lumaki.
Masasalamin rin natin ang kasabihang ito sa tinatawag na Karma. Kung ikaw ay gagawa ng masama, masama rin ang mangyayari sa iyo. Matatawag rin natin ito na isang gulong na patuloy na umiikot.
Kung ikaw ay ginawan ng masama, sigurado ay gusto mong gumanti ng masama rin. Pero, kung ipagpapatuloy mo ang pagtanim ng kasamaan, hindi ito titigil. Kaya naman, dapat matuto tayong magpasensya at umunawa.
Sa ating buhay, hindi natin kailangan ng mga negatibong enerhiya. Kapag lumaki na ang enerhiyang ito, labis na maapektuhan ang ating mga pag-iisip at hindi na natin makikita ang mga positibo sa ating buhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Alamat Ng Mansanas Suliranin – Ano Ang Suliranin Ng Kwento? (Sagot)