Saang Lugar Nagmula Ang Larong Tumbang Preso (Sagot)
SINAUNANG LARO – Sa Pilipinas, maraming mga laro ang palaging nilalaro ng mga kabataan, katulad lamang ng tumbang preso.
Pero, saang lugar kaya ito nagsimula? Ang larong ito ay nilalaro sa labas ng bahay. Kadalasan, ito’y nilalaro sa kalye kasama pa ang ibang bata. Ito’y ginagamitan ng tsinelas at lata. Sa Ingles, ito’y tinatawag na “knock down the prisoner”.
Hindi klaro kung saan ang espisipikong lugar sa Pilipinas na imbento ang laro. Subalit, ito’y may iba’t ibang pangalan depende sa kung saang parte mo ng bansa nilalaro.
Kung ang wika ng lugar niyo ay Tagalog, ito’y tinatawag na tumbang preso. Samantala, ito’y tinatawag na “Tumba Patis” sa maraming lugar sa Visayas.
Madali lamang ang larong ito ay sumasalamin sa ilang batas ng “dodge ball”. Nagsisimula ang laro sa paglagay ng lata sa centro ng isang lugar. Ang taya ay nakatayo malapit sa lata. Samantala, ang ibang manlalaro ay dapat na ma tumba ang lata. Kung na tumba ang lata, ang taya ay dapat na makadakip ng ibang manlalaro.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Simulain Ng Komunikasyon Halimbawa At Kahulugan