IDYOMA: Kahulugan At Mga Halimbawa

Ano ang kahulugan ng idyoma?

Ang artikulong ito ay naglalayon na talakayan ang kahulugan ng idyoma o “idiom” sa English at magbigay ng mga halimbawa nito.

Bahagi na ng pananalita ng maraming tao ang idyoma na tinatawag din na sawikain. Sa pang-araw-araw na pamumhay, ito ang kadalasang ginagamit, lalo na sa mga talumpati, malikhaing pagsusulat, at kahit sa ordinaryong pag-uusap. Maaring hindi alam ng mga tao na sawikain na pala ang sinasabi o sinusulat nila. Ano nga ba ang kahulugan nito?

Ang idyoma ay nangangahulugang isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Sa ganitong aspeto, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.

idyoma

Narito ang ilang mga halimbawa at ang kahulugan ng mga ito.

  • balat-sibuyas – mabilis masaktan o sensitibo
  • pusong bakal – di marunong magpatawad, matigas na kalooban
  • mapurol ang utak – mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip
  • putok sa buho – ampon
  • may bulsa sa balat – kuripot
  • balat-kalabaw – matigas ang balat
  • may gintong kutsara sa bibig– ipinanganak na mayaman na
  • kusang-palo – sariling sikap
  • tulog langis – mahimbing ang tulog
  • tulog manok – matagal makagawa ng tulog, mabilis magising
  • usad pagong – mabagal kumilos
  • umuulan ng lalaki at babae – maraming lalaki at babae
  • nakalutang sa ulap – masaya
  • malaki ang ulo – mayabang
  • itaga sa bato – ilagay sa isip, tandaan mo
  • ginintuang puso – mabuting kalooban, mabait
  • pagsunog sa kilay – pag-aaral ng mabuti
  • saling pusa – nakikisali
  • tengang kawali – nagbibingi-bingihan
  • basag ang pula – luko-luko
  • ibaon sa hukay – kalimutan
  • taingang kawali – nagbibingi-bingihan
  • buwayang lubog – taksil sa kapwa
  • pagpaging alimasag – walang laman
  • pantay na ang mga paa – patay na
  • butas ang bulsa – walang pera
  • ilaw ng tahanan – ina
  • haligi ng tahanan – ama
  • maitim ang budhi – tuso, masamang tao
  • alog na ang baba – matanda na
  • bahag ang buntot – duwag
  • bukas ang palad – matulungin
  • kapilas ng buhay – asawa
  • takip-silim – malapit nang gumabi

Basahin din: Halimbawa Ng Salawikain

Leave a Comment