Ano ang mga uri ng sanaysay?
MGA URI NG SANAYSAY – Ang artikulong ito ay naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mambabasa tungkol sa sanaysay at ang mga uri nito.
Ang sanaysay o essay sa lenggwaheng English ay tumutukoy sa komposisyon o sulatin na kinapapalooban ng kuro-kuro, pagpuna, opinyon, obserbasyon, at impormasyon ng isang manunulat.
Naipapahayag ng isang manunulat ang kaniyang damdamin, saloobin, at opinyon tungkol sa isang paksa o isyu na napapanahon at makabuluhan sa pamamagitan ng paraan ng pagsusulat na ito. Sa pamamagitan din nito, nakikipag-usap ang manunulat sa kaniyang mga mambabasa.
Mayroong dalawang uri ng sanaysay. Ito ang pormal at di pormal.
PORMAL NA SANAYSAY
Ito ay kinapalolooban seryosong paksa at mga isyu na nangangailangan ng masusing pag-aaral. Nangangailangan din ito ng malalim na pagkaunawa ay tinatalakay. Ang akda ay nagbibigay ng ideya na nakalatag ng may pagkakasunod-sunod para mas madaling maintindihan ng isang mambabasa ang layuning ng manunulat ang sanaysay at ang mensahe na nais na maipabatid.
Halimbawa ng pormal na sanaysay mula sa sanaysay-filipino.blogspot.com:
Global Warming sa Pilipinas
Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.
Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.
Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.
DI PORMAL NA SANAYSAY
Ito ay tumutuky sa komposisyon na ang paksa na tinatalakay ay karaniwan, personal, at nakakapag-bigay aliw sa mga mambabasa. Sa ganitong uri ng sanaysay ang manunulat ay parang kinakausap lamang ang mambabasa sapagka’t nagsasalamin ito ng kaniyang personalidad nito sa kanyang sulatin.
Halimbawa ng di pormal na sanaysay mula sa pinoycollection.com:
Kahalagahan ng Pamilya
Akda ni April Juanitez
Ang kahalagan ng pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa tuwing may problema at dito rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa kapag may dumadating na problema.
Ang ibang kabataan ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang pundasyon ng kanilang pamilya ay mahina at walang pag kakaisa. Ang mga kabataan na galing sa broken family ay nasisisira ang kanilang buhay sapagkat nagrerebelde sila at natututo rin silang gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Pero hindi lahat ng mga kabataan na galingbsa broken family ay napapariwara ang buhay, ang iba ay ginagamit itong inspirasyon sa buhay para maging matagumpay sila sa kanilang mga pangarap.
Mahalaga ang pamilya dahil sila ang mas higit na nakakaintindi sa atin sa mga panahong wala tayong masasandalan sa panahon ng puro problema lang ang dumarating sa buhay. Ang kahalagahan ng buong pamilya na ito ay kayang mong humarap sa mundo na buo ang iyong pagkatao dahil sa pamilya at masaya ang may buong pamilya.
Basahin din: PANANDANG PANDISKURSO: Kahulugan At Halimbawa