PANDIWA: Kahulugan At Mga Halimbawa

Ang ang kahulugan ng pandiwa?

Ang artikulong ito ay naglalayong ibahagi ang kahulugan ng pandiwa at magbigay ng mga halimbawa para mas lalong maintindihan ito.

Ito ay isa sa mga tinatalakay sa elementarya at sekondarya. Sa pamamagitan ng sulating ito, mauunawa ng mga mag-aaral kung ano ang kahulugan ng salitang ito na maaari nilang magamit sa paaralan at sa pang araw-araw na pamumuhay.

Pandiwa ang tawag sa pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop. Sa English, ito ay tinatawag na “verb” o “action word.” Ilan sa mga halimbawa nito ay kumain, nagsasayaw, maliligo, at iba pa.

pandiwa

Upang lalong maintindihan ang talakayin na ito, narito ang ilang mga pangungusap na nagpapakita ng pandiwa.

Nagpaalam ako sa aking magulang na gagabihin ako sa pag-uwi.

Sa tabi ng ilog, nag-ihaw sila ng sariwang isda at kumain nang magana.

1. Naglaro ang mga bata sa bagong bukas na parke.

2. Inikot namin ng tatlong beses ang palengke pero hindi namin mahanap ang pinabibili ni nanaya.

3. Nabigla kami sa paraan ng kaniyang pagtatanong na gaya ng isang imbestigador.

4. Hindi mahalaga sa akin ang maraming kaibigan, ang importante ay mga kaibigan na handang tumulong sa oras ng pangangailangan.

5. Dahil sa kaniyang pag-iwas sa batang tumatakbo sa kalye, nahulog ang sasakyan niya sa kanal.

6. Pumasok ang mga estudyante ng maaga sa paaralan para malinis ang kanilang silid-aralan.

7. Ayaw ng tatay ko sa kapitbahay naming palaging nag-iingay tuwing gabi.

8. Nag-iwan ako ng pagkain sa kusina para sa nakababatang kapatid ko.

9. Mahilig manahi ang aking ate at ang kuya ko naman ay magaling gumawa ng saranggola.

10. Nagguhit ng malaking bilog ang bata gamit ang kaniyang bagong lapis.

Basahin din: PANLAPI: Kahulugan, Uri, At Halimbawa

Leave a Comment