Alamin ang mga uri ng pandiwa na ayon sa panlapi.
URI NG PANDIWA AYON SA PANLAPI – Ang salitang ugat at nilalagyan ng panlapi para mabago ang anyo at kahulugan at ito ang mga uri na ayon dito.
Ang pandiwa, bilang isa sa mga bahagi ng pananalita, ay isang mahalagang aralin sa Filipino. Ito ang mga salita na nagpapakita ng gawa o kilos at kung wala ang mga salitang ito sa isang pangungusap o saysay, walang buhay o walang paglalarawan na naganap. Ito ang puso ng pangungusap nagbibigay-buhay at nagpapakilos sa mga salita ng iba pang mga bahagi ng pangungusap.
Ang mga uri ayon sa panlapi
- Pawatas (Infinitive) – Ito ang mga salita na nasa payak ang anyo at walang panlapi.
Halimbawa:
- Kain
- Tulog
- Kanta
- Sayaw
- Tahol
Halimbawa sa pangungusap:
- Ang tahol ng aso ay malakas at masakit sa tenga.
- Masaya akong makita ang sayaw at marinig ang kanta ng mga bata.
- Walong oras ang naging tulog ko.
- Maylapi (Affixed) – Ito ang uri na kung saan ang panlaping kinakabit ay nababago ang anyo at kahulugan ng isang salita.
Halimbawa:
- Kumakain
- Tinulogan
- Kumanta
- Nagsayaw
- Tumahol
Halimbawa sa pangungusap:
- Tumahol ng malakas ang aso ng makakita ng maraming tao.
- Bakit mo ko ako tinulogan kagabi?
- Marunong ka bang kumanta?
- Inuulit (Reduplicated) – Anyo kung saan ang salitang ugat na pandiwa ay inuulit.
- Pakain-kain
- Nagkukwentuhan
- Nagsasayaw
- Maglalakad-lakad
- Patahol-tahol
Halimbawa sa pangungusap:
- Pakain-kain ka lang kahit marami ang problemang kinakaharap.
- Nagsasayaw ba ang mga batang lalaki?
- Maglalakad-lakad lang ako para ma-relaks ang aking isip.
- Tambalan (Compound) – Ang uri kung saan ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salita na kapag pinagsama ay nakakapagbuo ng bagong kahulugan.
Halimbawa:
- Kayod-kalabaw (kayod + kalabaw) – hindi matatawarang sipag at tiyaga sa paggawa
- Sunog-kilay (sunog + kilay) – pag-aaral o pagtrabaho nang may buong sipag at tiyaga
- Nakaw-tingin (nakaw + tingin) – pagsulyap sa isang bagay o tao na maganda
- Agaw-pansin (agaw + pansin) – madaling makakuha ng pansin o atensyon
- balat-sibuyas (balat + sibuyas) – isang taong sensitibo o madaling umiyak.