Alamin ang kahulugan ng agrikultura at kahalagahan nito.
KAHULUGAN NG AGRIKULTURA – Alamin ang ibig sabihin nito at ang mga kahalagan nito sa ekonomiya ng ating bansa.
ANO ANG KAHULUGAN NG AGRIKULTURA?
Ayon sa Artikulo XII Seksyon 1 ng 1986 Konstitusyon ng Pilipinas, “Dapat itaguyod ng estado ang industriyalisasyon at pagkakataon na makapaghanapbuhay ang lahat batay sa mahusay na pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang pansakahan”.
Sa agrikultura napapaloob ang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop. Dito tayo kumukuha ng mga hilaw na materyales at produkto kagaya ng hibla, panggatong, gamot, at maraming iba pa. Ito ay isang mahalagang sektor sa ekonomiya ng isang bansa dahil ito ang pangunahing nagtutugon ng walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Sinasabi na ang pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa pagpapalago ng industriya at ang matibay na pundasyon nito ay ang isang maunlad na agrikultura kung saan nakakakuha ng hilaw na materyales at napagkukunan ng pondo para pantustos sa mga gawain sa industriya.
Ano-ano ang sektor ng agrikultura?
- Paghahayupan – Pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, baboy, itik, pabo, at baka.
- Pagsasaka – Ito ay pananim ng Pilipinas na katulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, at iba pa.
- Pagtotroso – Ang legal na pagputol, pagkalso, pagproseso, at pagkarga ng mga puno o troso sa mga trak para magamit bilang hilaw na materyal.
- Pangingisda – Isang paraan ng pamumuhay sa Pilipinas na ginagawa sa iba’t ibang anyo ng tubig tulad ng lawa, ilog, at dagat.
- Pagmamanukan – Ang manok ang isa sa mga pinakamalaking konsumo ng mga tao at ang pagmamanukan ang pagsasaka ng manok kung saan nakakakuha tayo ng karne at itlog bilang pangkain.
- Pagmimina – Kung saan kumukuha ng mga produktong mineral.
Kahalagahan ng agrikultura:
- Pinagkukunan ng pagkain at pangkabuhayan.
- Pinagmumulan ng mga hilaw na materyales.
- Pinagkukunan ng mga kitang panlabas o salaping dolyar.
- Pinagmumulan ng hanapbuhay.