Uri Ng Kalamidad Sa Pilipinas – Ano-ano Ang Mga Ito?

Alamin ang mga uri ng kalamidad sa Pilipinas – mga hamon na ating hinaharap.

URI NG KALAMIDAD SA PILIPINAS – Alamin at pag-aralan ang mga iba’t ibang uri nito at mga paghahanda para sa mga hamon na ito.

Isang malaking hamon ang mga kalamidad na dumarating sa Pilipinas. Hindi lang dahil sa mga bahay at kabuhayan na sinisira nito kundi maging ang mga buhay na kinukuha ng ganitong mga kaganapan at mga epekto sa kalikasan. Sa mga panahon na ito dapat kailangang mas pahalagahan ang paghahanda at kahandaan.

Uri Ng Kalamidad Sa Pilipinas

Ano ang kalamidad? Ito ang mga malalakas at delikadong pangyayari na nagdudulot ng pinsala at pagkawasak sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ang pangyayaring ito ay hindi inaasahan na kadalasan ay nagreresulta sa bigong paghahanda o pagtugon sa panahon ng pananalasa.

Mayroong iba’t ibang sanhi ang mga kalamidad na ito at ang pag-unawa sa mga ito ay mahalaga para makaiwas sa mas malaking pinsala. Ilan sa mga sanhi na ito ay global warming, pagmimina, at climate change.

Mga uri ng kalamidad sa ating bansa

  1. Bagyo – Ito ay nagduduloy ng hangin at ulan na may tindi at kalakasan. Ito ay nagdudulot ng pinsala sa mga kabahayan, imprastruktura, at agrikultura. Sa Pilipinas, isa sa pinakamalakas ay ang Typhoon Yolanda (Haiyan) noong 2013 na nagdulot ng pagkasawi ng 6,000 na katao.
  2. Baha – Ito ang pag-apaw ng tubig sa mga ilog, lawa, dagat, estero, o kanal na nagdudulot ng pagkasira ng ari-arian, pagkawala ng buhay, at pagkalat ng sakit. Ito ay maaring dulot ng malakas na ulan, pagkatunaw ng yelo, o pagkasira ng dam.
  3. Landslide – Ito ang pagguho ng lupa mula sa isang bundok o burol na resulta ng malakas na ulan, paglindol, o pagputol ng puno.
  4. Buhawi – Ito ay tinatawag din na ipo-ipo o ang malakas na paikot na hangin mula sa ulap papunta sa lupa. Ang hangin nito ay umaabot sa 300 mph. Ito ay mabilis na nabubuo at naglalaho at hindi malaman kung saan tatama o kung kailan titigil ang pananalanta nito.
  5. Lindol – Ito ang pagyanig sa lupa dahil sa paggalaw ng tectonic plates na nagre-resulta ng pagguho ng mga gusali, pagkasira ng kalsada, at sa sobrang lakas na ang sentro ay nasa ilalim ng dagat ay maaring magdulot ng tsunami.
  6. Matinding Tag-init o El Niño – Ito ay isang nakakapinsala na na kondisyon ng panahon na nagdudulot ng sobrang init at tagtuyot. Ito ang dahilan ng kakulangan sa tubig, pagkamatay ng mga pananim, at pinsala sa kalusugan ng tao.
  7. Pagputok ng Bulkan – Ito ang pagbuga ng isang bulkan ng mga mapanganib na materyales tulad ng magma, abo, at gas mula sa loob nito na nakakasira ng mga komunidad sa paligid nito.

Leave a Comment