Kontemporaryong Isyu – Ano-ano Ang Mga Ito?

Ito ang kahulugan ng kontemporaryong isyu at mga pangunahing ideya na napapaloob dito.

KONTEMPORARYONG ISYU – Pagtalakay at pag-alam kung ano ang kahulugan, kahalagahan, at halimbawa ng mga isyung kontemporaryo.

Ano Ang Kontemporaryong Isyu? Ito ay ang mga pangyayari, ganap, opinyo, ideya, mga paksa, o isyu sa kasalukuyang panahon. Anumang paksa na kumukuha ng interes ng mga tao at nagiging isyu o usap-usapan sa kasalukuyan ay maituturing na isyung kontemporaryo. Sa simpleng mga salita, ito ang mga paksang napapanahon na nakaka-apekto sa buhay ng mga tao at nakakapagpabagabag sa kanila.

Kontemporaryong Isyu

Sa panahon ngayon, ang ilan sa mga usapin ay hindi na naranasan ng ating mga ninuno. Ito ay may dalawang uri – pag-uuring estruktural at pag-uuring teritoryal.

  • Pag-uuring Estruktural – Ito ang mga isyung pagkapaligiran, pangkabuhayan, pangkapangyarihan, panlipunan, at pangkalinangan.
  • Pag-uuring Teritoryal – Ito ay nahahati sa tatlo: isyung local, isyung nasyonal, isyung internasyunal.

Saan makukuha ang mga isyung?

Maraming pagkukuhanan ng mga isyu tulad ng dyaryo, artikulo, telibisyon, at sa sosyal media at ilan sa mga laganap na isyu ay sa Pilipinas ay kahirapan, korapsyon, terorismo, at droga. Sa taong 2020, ang isyung laganap sa buong mundo ay ang COVID-19.

Mga halimbawa ng mga isyu:

  • Panlipunan
    • Halalan
    • Terorismo
    • Rasismo
    • Eleksyon
  • Pangkalusugan
    • Kanser
    • COVID-19
    • Pagka adik sa droga
    • Sobrang Katabaan
  • Pangkapaligiran
    • Polusyon
    • Lindol
    • Bagyo
    • Global Warming
  • Pangkalakalan
    • Stock Market
    • Online Shopping
    • Business News
    • Import/Export

Sa kasalukuyang panahon, ilan sa mga matitinding isyu na kinakaharap ng daigdig ay climate change, pagbabago sa teknolohiya, diskriminasyon at pagbabago sa lipunan, at kalusugan.

Bakit mahalaga ang pag-alam ng mga isyu na ito? Ito ay nakakatulong sa atin at ang mga suliraning ito ay nagbubuklod ng mga tao para pag-usapan at unawain ang mga ito. Sa pamamagitan nito, nakakabuo ng solusyon para sa problemang kinakaharap at para hindi na mapalawak ang epekto nito sa pamayanan.

Dito rin matututunan ng mga tao na tumimbang ng sitwasyon at natutunan ang pagtukoy ng kabutihan at hindi. Napapaunlad din ang kakayahang mag-isip ng mga hakbang, magplano, at magsagawa ng mga gawain na makakalutas ng mga suliranin.

Leave a Comment