Ano ang pagkakaiba ng NG at NANG? Alamin at pag-aralan.
NG at NANG – Marami sa atin ang hindi pa rin alam ang tama at wastong paggamit ng dalawang ito sa pangungusap. Ito ang kanilang mga kaibahan.
Sa paggawa ng pangungusap sa ating wika, kadalasan ay nahihirapan tayo sa NG at NANG. Pareho ang kanilang pagbigkas pero ang paggamit at pagbaybay ay magkaiba. Ang pagkalitong ito nagdudulot ng mga pagkakamali sa kanilang paggamit dahilan kung bakit mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng dalawang ito at para maiwasan ang mga maling paggamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
NG
Kadalasan, ito ay ginagamit para ipakita ang relasyon ng dalawang salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaring pagmamay-ari o pagkakaroon.
Ito ay ginagamit bilang pang-ukol (preposition) na nagpapahayag ng pag-aari at ginagamit sa pagitan ng dalawang pangngalan (noun).
Mga halimbawa:
pagkain ng pusa ate ng mga bata kalabaw ng magsasaka presyo ng mga bilihin karapatan ng mamamayan bisperas ng Pasko ambulansya ng ospital | bag ng lalaki pangulo ng bansa kampeon ng paligsahan watawat ng Estados Unidos ibon ng kagubatan kabesera ng lalawigan kahulugan ng kapayapaan simula ng digmaan |
- paggamit ng “ng” kapag ang pangalan o panghalip sinusundan ito ng isang pangngalan o panghalip.
Sinunod niya ang utos ng Diyos.
Dala ng Itay masarap na pagkain.
- kapag ang sumusunod na salita ay isang pang-uri
Nakakuha ng malaking ref mula sa year-end party.
Nag-aaral ng mabuti para makaahon sa hirap.
- kapag ang sumusunod na salita ay pang-uring pamilang
Bumili ako ng apat na cellphones.
Tinakbo niya ng labin-limang minuto ang tatlong kilometro para makarating dito.
- upang magpahiwatig ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian
Napaiyak ako sa kasamaan ng kanyang ugali.
Masarap sa pakiramdam ang yakan ng isang magulang.
- bilang pananda sa tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak
Inabot ng bata ang aking kamay.
Pinakain ng nanay bata dahil umiiyak na ito sa gutom.
NANG
Ito ay sumasagot sa mga tanong na paano, kailan, gaano, o bakit.
- bilang pananda na sinusundan ng pang-abay (adverb)
Tumakbo nang mabilis ang bata patungo sa kanyang ama.
Nagkita kami nang alas-otso ng gabi.
- ginagamit bilang pangatnig (conjunction) katumbas ng salitang noon
Nang ako ay bata pa, hindi ako marunong magsulat.
Tumigil ang iyak ng sanggol nang bumalik ang nanay.
- bilang pangatnig (conjunction) katumbas ng mga salitang upang o para sa pagtukoy ng dahilan o resulta ng isang aksyon
Makinig tayo sa radyo nang malaman natin ang buong katotohanan.
Tulungan mo ako nang mabilis itong matapos.
- bilang pang-angkop (ligature/linker) kapag inuulit ang pandiwa o mala-pandiwa
Sigaw nang sigaw ang magnanakaw na nahuli.
Ang tamad na mag-aaral ay tulog nang tulog.
- bilang pinagsamang na at na
Bakit ka aalis nang hindi nagpapaalam?
Ang damit ay isinuot nang hindi nilalabhan.
- bilang pinagsamang na at ng
Binigyan nang libreng pagkain ang mga tao.
Pinagsabihan nang magulang ang pasaway na bata.