Ano ang tamang paggaming ng RIN at DIN sa pangungusap?
RIN AT DIN – Ito ang mga tamang paraan na dapat tandaan kung paano gamitin ang mga ito sa isang pangungusap.
Ang wikang Filipino ay hindi madali katulad na iniisip ng ilan sa atin. Mayroong mga teknikal na batas sa paggwa ng isang pangungusap katulad na lamang ng paggamit ng “rin” at “din”. Marami pa rin sa atin ang hindi alam kung paano at kailan ginagamit ang mga katagang ito sa pangungusap na ating isinusulat o binibigkas.
Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawang salita ito na kung titingnan ay isang titik lamang hindi nila pagkakapareho?
Mayroon ding mga katagang “daw” at “raw”, “doon” at “roon”, “diyan” at “riyan”, at “dini” at “rini”. Katuland ng “Ng” at “Nang”, marami rin ang nalilito sa paggamit ng mga katagang nasambit at sa artikulong ito, malalaman natin ang wastong paraan.
Para sa “rin”, “raw”, “roon”, “riyan”, at “rini”
Ito ay gagamitin kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig o vowel (a, e, i, o, u) at mga malapatinig o semi-vowel (w, y).
Mga halimbawa:
- Kung hindi ka bibili ng ticket, hind(i) rin ako bibili.
- Aalis k(a) raw sa umaga at iiwan ang bata sa iyong mga magulang?
- Pupunta sil(a) roon bukas para bisitahin ang mga baka.
- Higit p(a) riyan ang aking naramdaman nang mawala siya.
Para sa “din”, “daw”, “doon”, “diyan”, at “dini”
Ito ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig o consonant (b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, p, q, r, s, t, v, x, z).
Mga halimbawa:
- Nakaratin(g) din ako sa bahay matapos ang limang oras na paglalakad.
- Maha(l) daw ang mga bilihin sa grocery stores tuwing Disyembre.
- Pupunta ako sa kanilang bahay a(t) doon na magpapalipas ng gabi.
- Aalis tayo bukas a(t) diyan mamamasyal.