Ano ang mga barayti ng wika at mga halimbawa nito?
BARAYTI NG WIKA – May walong uri ng barayti – ang Idyotek, Dayalek, Sosyolek/Sosyalek, Etnolek, Ekolek, Pidgin, Creole, at Register.
Marami pa rin sa atin ang hindi alam kung ano ang wika at diyalekto.
Ang wika ay “ang isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar” habang and diyalekto ay “ang iba’t-ibang gamit at pagsasaayos ng mga tunog na ito sa isang wika”. Ang diyalekto ay isang sanga lamang ng wika.
Mayroong iba’t ibang barayti ng wika at ito ay ang mga sumusunod:
- Idyotek – Ito ang unique na istilo ng pananalita ng isang indibidwal.
Halimbawa:
- “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
- “Hoy Gising” – Ted Failon
- “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
- “Di umano’y -” – Jessica Soho
- Dayalek – Ito ang ginagamit ng mga tao sa isang rehiyon o lalawigan.
Halimbawa:
- Tagalog – “Mahal kita”
- Hiligaynon – “Palangga ta ka”
- Ibanag – Iddu ta ka
- Cebuano – Gihigugma Tika
- Sosyolek/Sosyalek – Ito ang barayti na pansamantalang ginagamit ng isang partikular na grupo.
Halimbawa:
- Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo)
- Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
- Wag kang snobber! (Huwag kang maging suplado)
- Etnolek – Ito ay mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo at may iba’t ibang etnolek dahil marami ang mga pangkat etniko.
Halimbawa:
- Palangga – Sinisinta, Minamahal
- Kalipay – saya, tuwa, kasiya
- Ekolek – Ito ang mga salita na ginagamit sa tirahan.
Halimbawa:
- Palikuran – banyo o kubeta
- Papa – ama/tatay
- Mama – nanay/ina
- Pidgin – Ito ang tinatawag na “lengwahe ng wala ninuman” at walang pormal na istruktura.
Halimbawa:
- Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
- Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
- Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
- Creole – Ito ang mga pinaghalong salita ng mga tao na nagmula sa magpkakaibang lugar hanggang sa naging personal na wika na.
Halimbawa:
- Mi nombre – Ang pangalan ko
- Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
- I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa gubatan
- Register – Ito ay isang espesyalisado para sa isang pangkat o domain. Ang tatlong uri nito ay larangan (ayon sa larangan ng taon gumagamit), modo (kung paano nasasagawa ang uri ng komunikasyon), at tenor (ayon sa relasyon ng mga nag-uusap)
Halimbawa:
- Jejemon
- Binaliktad
- Pinaikli sa teks