Salitang Magkasalungat (Mga Halimbawa)

Basahin ang mga halimbawa ng mga salitang magkasalungat.

SALITANG MAGKASALUNGAT – Ito ang mga pares ng salita kung saan ang kanilang mga kahulugan ay hindi pareho at ito ang mga halimbawa.

Ating natutunan ang mga halimbawa at kahalagahan ng mga salitang magkasingkahulugan o ang mga pares ng mga salita na ang kahulugan ay magkapareho o magkatulad. Sa isang banda, mayroon ding mga salitang magkasalungat o ang mga pares ng mga salita na ang may magkaibang kahulugan o oposisyon sa isa’t isa.

Salitang Magkasalungat

Katulad ng mga salitang pareho ang kahulugan, mahalagang alamin at pag-aralan ang mga magkasalungat para mapaibayo ang ating kaalaman sa ating wika. Hindi lamang ito maisusulong ang ating malalim na kaalaman kundi na rin ang ating malalim na pagkakaintindihan.

Bakit mahalaga na alamin ang salitang salungat ang kahulugan? Una ay napapalawak ang ating pag-unawa sa kahulugan ng mga salita. Napapadali rin ang ating paghahambing, nabibigyan ng kulay ang pagsasalaysay, nalalaman ang mga pagkakaiba, at napapalawak ang kasanayan sa pagsusulat at pagsasalita.

Ang pag-alam at pag-aral sa mga salitang ito ay nagsisilbing mga kasangkapan na nagpapalalim at nagpapalawak sa ating kaalaman at paggamit ng ating sariling wika.

Ito ang mga halimbawa:

mabigat – magaan
tama – mali
sobra – kulang
tapat – tiwali
malinaw – malabo
malambot – matigas
saya – lungkot
araw – gabi
pumasok – lumabas
mabilis – mabagal
malakas – mahina
umiiyak – tumatawa
maaraw – maulan
malamin – mababaw
maputi – maitim
malinis – madumi
malapot – malabnaw
makitid – malapad
matinis – malagong
mataba – payat
matalas – mapurol
matiisin – mainipin
taas – baba
luma – bago
basa – tuyo
manipis – makapal
malapit – malayo
harap – likod
buo – hati
sakitin – malusog
sariwa – bulok
mahal – mura
dagdag – bawas
saya – luksa
wagi – talo
kulong – malaya
upo – tayo
tago – tanaw
labas – pasok
mahirap – madali
mahirap – mayaman
maniwala – magduda
bawal – pwede
hinog – hilaw
una – huli
wala – meron
simula – katapusan
bukas – sarado
mapalad – malas
pinuri – pinulaan
kaliwa – kanan
ibabaw – ibaba
tunay – peke
madalas – minsan
katiting – madami
pribado – publiko
mahaba – maigsi
karaniwan – kakaiba
masikip – maluwang
kuha – bigay
malamig.- mainit
matamis – mapait
tahimik – maingay
malaki – maliit
busog – gutom
bata – matanda
hila – tulak
itigil – ituloy
alila – amo
malas – swerte
tag-araw – tag-ulan
ligtas – mapanganib
lubog – litaw
mayaman – dukha
natural – artipisyal
kaibigan – kalaban
buhay – patay
gumaling – nagkasakit
ayos – sira
sigaw – bulong
maliwanag – madilim
masigla – matamlay
gising – tulog
masipag – tamad
maganda – pangit
masama – mabuti
mangmang – matalino
umaga – gabi
gusto – ayaw
lumaban – sumuko
aalis – darating
tanong – sagot
sang-ayon – tutol
bumili – nagbenta
hawak – bitaw
nakalimot – nakaalala
kumita – nalugi
katotohanan – kathang-isip
baguhan – dalubhasa
pagsilang – pagkamatay
pinahintuluan – pinagbawalan
matalim – mapurol
magaspang – makinis
marami – kaunti
sapat – kulang
sulong – urong
baluktot – tuwid
nakakaisa – watak-watak
katutubo – dayuhan
sinamahan – iniwan
ngiti – simangot
pikit – mulat
nag-ipon – ginastos
utos – hiling
dito – doon
langit – lupa

Leave a Comment