Ano ang mga katangian ng wika? Alamin at pag-aralan.
KATANGIAN NG WIKA – Ang mga katangian na kumakatawan at naglalarawan ng wika na dapat mong alamin at aralin.
Ang wika ay may malaking papel sa ating buhay, kultura, at lipunan. Ito ay mahalaga sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Ito ang ginagamit natin para magpahayag ng kaisipan at damdamin, magpalaganap ng kultura, makipag-ugnayan, makipag-komunikasyon, matuto, at para magtulungan at magkaisa.
Bilang isang mahalagang aspeto sa buhay at lipunan, ito ang mga katangian nito:
- May masistemang balangkas na sistematiko at tiyak para makabuo ng mga mahahalagang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam.
- May sinasalitang tunog para ito ay maging makabuluhan. Hindi lahat ng tunog ay makabuluhan pero para sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan at ito ang tunog na salita. Ito ang ginagamit natin sa pakikipag-komunikasyon.
- Ito ay pinipili at isinasaayos lalo na sa pakikipagtalastasan. Dapat na piliin ng maayos at mabuti ang mga salita na ating gagamitin para maging malinaw at madaling maintindihan.
- Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog. Ibig sabihin, ang mga salita ay nakabase sa mga salitang simbolo.
- Ito ay ginagamit bilang kasangkapan sa komunikasyon at kailangan na patuloy itong gamitin.
- Ang wika ay kaugnay ng kultura at nakabatay dito. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig, dahil iba-iba ang mga kultura ng mga bansa at pangkat.
- Ito ay nagbabago. Ang wika dinamiko. May mga nagdaragdag sa bokabularyo na bunga ng pagiging malikhain ng mga tao.
- Ang wika ay komunikasyon. Ang ang isang wika ay masasabing tunay na wika kapag ito ay sinasalita.
- Ang wika ay makapangyarihan. Sa pamamagitan ng ating mga salita, maari nating labanan ang mali at mga bagay na salungatsa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao.
- Ang wika ay kagila-gilalas at ito ay dahil sa mga salita na mahirap ipaliwanag. Isang halimbawa nito ay “hamburger” na beef ang laman at “eggplant” na isang gulay at walang itlog.