Buong konteksto ng Panatang Makabayan at Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas.
PANATANG MAKABAYAN – Ito ay ang pagmumungkahi ng katapatan at pag-ibig sa bansa ng Pilipinas at ito ang Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas.
Bilang bahagi ng edukasyon sa pagpapahalaga ng nasyonalismo at pagiging isang responsableng mamamayan, ang Panatang Makabayan tinuturo. Bilang isang pormal na panunumpa, ito ay kadalasang naririnig na binibigkas ng mga mag-aaral, kawani ng gobyerno, at iba pang mga mamamayan. Ang gawaing ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa bansa.
Ang pagbigkas nito ay nasa batas at kailangan na bigkasin sa mga publikong paaralan at sa mga pribadong paaralan kapag may flag ceremony, may klase, o bilang bahagi ng isang programang pampaaralan. Ang mga salita na napapaloob dito ay nagpapaalala a mga kabataan sa pagpapahalaga sa kanilang bansa at tungkuling bilang mga mamamayan.
Ito rin ay nagbibigay diin sa mga saloobin ng pagmamahal sa bayan na nakakatulong sa pagtatag ng isang matatag at nagkakaisang komunidad. Nagsisilbi rin ito na paalala sa atin ng mga sakripisyo ng mga bayani, ang kahalagahan ng kalayaan, at maglingkod at magtulungan para sa kapakanan ng buong bansa.
Layunin nito na ipalagananap ang nasyonalismo, pagturo ng mga mahahalagang pag-uugali, pagkakaisa, at pagkamamamayan.
PANATANG MAKABAYAN
(The amended version as specified in DepEd Order 004 series of 2023)
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.
PANUNUMPA SA WATAWAT NG PILIPINAS
Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos
Maka-tao
Makakalikasan at
Makabansa.