Ano-ano ang mga pangkat etniko sa bansa?
PANGKAT ETNIKO – Ito ang ilan sa mga grupong etniko na matatagpuan sa Pilipinas – sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
ANO ANG PANGKAT ETNIKO? Ito ang mga grupo ng tao na magkapareho ang kultura, wika, relihiyon, at iba pang aspeto ng pamumuhay. Ang kanilang kultura ay walang bahid o impluwensya ng mga bagay mula sa ibang lahi. Sa isang pangkat, ang wika ang pinakamatibay na pagkakakilanlan.
Sa Pilipinas, marami ang mga pangkat na ito na may natatanging katangian at kasaysayan.
Mga pangkat sa Luzon:
- Mangyan
- Sila ay nakatira sa mga liblib na pook ng Mindoro. Sila ay mahiyain, kulay kayumanggi, itim ang buhok, maamong mata, at may katamtaman ang tangkad.
- Ifugao
- Naninirahan sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon. Ang salitang Ifugao ay galing sa salitang ipugo na ibig sabihin ay “mula sa mga burol”.
- Kalinga
- Sila ay naninirahan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon at mahilig sa makukulay na pananamit at pampaganda.
- Itawis
- Sila ay nasa timog kanlurang bahagi ng Cagayan. Galing sa salitang “I” at Tawid ang pangalan nila na ibig sabihin ay “mga tao sa kabila ng ilog”.
- Kankana-ey
- Sila ay pangatlo sa pinakamalaking pangkat na naninirahan sa Mountain Province ng hilagang Luzon.
- Ilongot
- Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay “mula sa gubat” at sila ay naninirahan sa mga kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya.
- Ibaloy
- Ang pangkat na ito ay nasa Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba na nasa timog silangang bahagi ng Benguet.
- Isneg
- Kilala rin bilang Apayao o Ina-gang na naninirahan sa Kalinga at Apayao. Sila ay karaniwang matatagpuan sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog.
- Ivatan
- Sila ang mga pangkat na matatagpuan sa Batanes, ang pinakadulong bahagi ng Pilipinas.
Mga pangkat sa Visayas:
- Ilonggo | Hiligaynon
- Sila ay nakatira sa isla ng Panay, Guimaras, kanlurang bahagi ng Islang Negros, Hilaga, at Timugang Cotabato at Sultan Kudarat.
- Waray | Lineyte-Samarnon
- Sila ay kilala rin bilang Leyte-Samarnon. Ang mga Waray ay nakatira sa mga isla na Samar, Leyte, at Biliran.
- Cebuano | Bisaya
- Ang mga Bisaya ito ay nakatira sa isla ng Cebu, silangang bahagi ng Islang Negros, Bohol, Siquijor, at bahagi ng Leyte
- Karay-a | Kinaray-a
- Ang mga Karay-a ay nasa isla ng Panay at Palawan. Sila ay tinatawag din na Hamtikanon na nakatira sa lalawigan ng Antique
- Masbateño | Minasbate
- Sila ay galing sa lalawigan ng Masbate sa Luzon.
- Aklanon
- Ang mga Aklanon ay nakatira sa lalawigan ng Aklan sa isla ng Panay.
Mga pangkat sa Mindanao:
- Badjao
- Sila ay nakatira sa mga baybayin at isla sa Mindanao at Sulu. Pamoso sila bilang mga mangingisda at mga “sea gypsies”.
- Yakan
- Sila ay partikular na matatagpuan sa mga lalawigan ng Basilan at ilang bahagi ng Zamboanga. Karamihan sa kanila ay mga Muslim.
- B’laan
- Ito ang pangkat na nakatira sa South Cotabato, Sultan Kudarat, Davao del Sur, at Saranggani.
- Maranao
- Sila ay matatagpuan sa Lanao del Sur at Lanao del Norte, sa rehiyon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Ito ang sa mga pangunahing pangkat etniko sa Mindanao.
- T’boli
- Sila ang pangkat na matatagpuan sa Timog Mindanao partikular sa mga lugar na South Cotabato, Sarangani, at Davao del Sur.
- Tausug
- Sila ay isa sa mga pangunahing pangkat etniko ng Moro o mga Muslim sa Mindanao. Ang Tausug ay nangangahulugang “tao ng agos” o “tao ng daluyong”.
- Bagobo
- Ang pangalang Bagobo ay mula sa salitang “Bago”, na ang ibig sabihin ay “bagong tao” o “mga bagong tao”.