Sanhi Ng Unang Digmaang Pandaigdig At Mga Epekto Nito

Alamin kung ano ang mga naging sanhi ng unang digmaang pandaigdig at mga naging bunga nito.

SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG – Ang World War 1 ay naganap mula 1914 hanggang 1918 at ito ang mga sanhi para sumiklab ito.

Ang Unang digmaang pandaigdig ay tinatawag din na “Ang Pandaigdigang Digmaan” (The World War), “Ang Digmaan upang Wakasan ang lahat ng mga Digmaan” (The War to End All Wars), “Ang Digmaang Kaiser” (The Kaiser War), “Ang Digmaan ng mga Nasyon” (The War of the Nations), at “Ang Digmaan sa Europa” (The War in Europe). 

Sanhi Ng Unang Digmaang Pandaigdig

Ito ay nahati sa dalawang alyansa:

  • Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso, at Pransiya)
  • Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya, at Italya)

Maraming bansa ang sumali sa malawakang digmaan na ito at ang mga bansang ito ay ang mga sumusunod:

  • Serbia
  • Russia
  • Montenegro
  • France
  • Belgium
  • Great Britain kasama ang Canada, Australia, New Zealand, India, South Africa at ibang mga British dominions and colonies
  • Japan
  • Italy
  • Portugal
  • Romania
  • United States
  • Cuba
  • Panama
  • Greece
  • Siam
  • Liberia
  • China
  • Brazil
  • Guatemala
  • Nicaragua
  • Costa Rica
  • Haiti
  • Honduras
  • Austria-Hungary
  • Germany
  • Ottoman Empire (Turkey)
  • Bulgaria

Mga Sanhi ng World War 1

Ito ay nagsimula matapos patayin ni Gavrilo Princip si Archduke Franz Ferdinand noong Hunyo 1914. Ang Serbiya ay naghayag ng pakikidigma sa Austriya-Unggarya at ilang linggo lamang ang lumipas, ang digmaan ay lumaganap sa mundo at maraming mga makapangyarihang bansa ang kabilang.

Ang mga sumusunod ay iba pang mga dahilan:

  • Imperyalismo o ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng mga makapangyarihang bansa.
  • Militarismo at Pagpapalakasan ng Armas kung saan mas pinapahalagahan ang mga bagay na may kaugnayan sa militar. Naging pamantayan rin ang kapangyarihang militar ng isang bansa kung gaano ito kalakas.
  • Nasyonalismo kung saan nag-ugat ang malubhang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa.
  • Pagbuo ng mga alyansa kung saan ang mga bansa ay nagkakampi-kampi dahil sa kanilang mga interes.
  • International Anarchy
  • Mga pandaigdig na krisis tulad ng Bosnian crisis, Panslavism, Moroccan crisis, at Balkan wars.

Ano ang mga naging epekto ng World War 1?

  • Maraming mga buhay ang nasawi at mga pag-aari na nasira. Nasa mahigit 9.7 na milyong katao ang nasawi mula sa mga hukbo na nagsilbi, nasa 10 milyon ang mga sibilyan na nadamay, at nasa mahigit 21 milyon ang mga umuwing sugatan.
  • Isang malawakang pagbabago sa lipunan, ekonomiya, at pulitika sa Europa at sa iba pang bahagi ng mundo.
  • Nagkalat ang kaisipang liberalismo ar progresibo.
  • Malawakang paglikas ng mga tao para makahanap ng kaligtasan at makaiwas sa peligro.
  • Dahil sa laki ng gastos ng bawat bansa na kasali sa digmaan, malaki ang naging epekto nito sa ekonomiya. Nabaon sa utang ang mga bansa maliban sa Estados Unidos.
  • Naghirap ang mga bansa dahil sa tagal, hirap, at gastos na dulot ng digmaan.

Leave a Comment