Ano ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura na patuloy na iniinda ng maraming tao?
SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA – Ano-ano ang mga ito at ang mga dahilan kung bakit tila walang katapusan ang mga problema?
Ang agrikultura, ayon sa Artikulo XII Seksyon 1 ng 1986 Konstitusyon ng Pilipinas, ay: “Dapat itaguyod ng estado ang industriyalisasyon at pagkakataon na makapaghanapbuhay ang lahat batay sa mahusay na pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang pansakahan”.

Ito ang tumataguyod sa iba pang mga sektor ng ekonomiya dahil dito nanggagaling ang mga hilaw na materyales na kailangan para makabuo ng iba pa at mas marami pang mga produkto. Ang mga materyales na ito ay nanggagaling sa iba’t ibang mga sektor ng agrikultura tulad ng:
- Pagsasaka
- Paghahayupan
- Pangingisda
- Paggugubat
Subalit sa kabila nito ay ang mga suliranin na patuloy na kinakaharap ng marami.
Ilan sa mga problema na ito ay:
- Ang patuloy na paglaki ng populasyon at paglawak ng panirahan, komersyo, ay industriya na nagre-resulta ng patuloy na pagliit ng mga sakahan.
- Kakulangan sa makabagong mga gamit at teknolohiya. Ang mga lumang kagamitan ay mabagal ang produksyon. Kaakibat ng problemang ito ay ang kakulangan sa edukasyon tungkol sa mga makabagong paraan na komplikado.
- Maraming mga produktong agrikultural ang nasisiram nabubulok, at nalalanta at ito ay dahil sa kakulangan sa pasilidad at imprastraktura tulad ng imbakan at magandang kalsada para sa mas maiging transportasyon ng mga produkto.
- Ang mga magsasaka ay hirap na makipagsabayan sa pagdagsa ng mga dayuhang-kalakal. Sila ay naaapektuhan dahilan kung bakit sila ay humihinto at kalaunan ay ipinagbibili na lamang ang kanilang mga lupain.
- Ang climate change ay isa ring malaking dagok. Ang matinding tagtuyot ay nagdudulot ng pagkasira ng mga pananim at ang mahabang tag-ulan ay nagdudulot ng pagkasalanta.
- Mabilis na pagka-ubos ng mga likas na yaman na nagre-result sa nababawasang suplay ng mga hilaw na materyales, pagkawala ng tirahan ng mga hayop, apektado ang suplay ng tubig, at pagguho ng lupa.
- Mga ilegal na gawain tulad ng pagkakaingin at ilegal na pagto-troso.