Maunlad Na Bansa – Mga Tanda Na Umaasenso Ang Isang Bansa

Ito ang mga palatandaan ng isang maunlad na bansa at ang kanilang mga katangian.

MAUNLAD NA BANSA – Ito ang mga katangian at mga palatandaan na makakapagsabi na ang isang bansa ay maunlad.

Ang mga araniwang sukatan para masabi na maunlad na ang isang bansa ay ang Gross Domestic Product (GDP) per capita, Human Development Index (HDI), antas ng edukasyon, kalidad ng serbisyong pangkalusugan, at imprastraktura. Ito ay ang mga palatandaan ng mataas na antas ng kaunlaran sa aspeto ng ekonomiya, lipunan, at teknolohiya.

Maunlad Na Bansa

Ang mga katangian ng isang progresibong bansa ay:

  1. Matatag ang ekonomiya at ito ay masasabi kapag mataas ang GDP at mababa ang antas ng kahirapan.
  2. Mataas ang antas ng edukasyon, may kalidad na sistema, at mataas ang literacy rate.
  3. Maayos ang sistemang medikal, accessible ang serbisyong medikal, at mahaba ang life expectancy.
  4. Maganda ang kalidad ng pamumuhay ng mga tao at mataas ang kita ng mga mamamayan.
  5. Mababa ang antas ng krimen.
  6. Maayos ang pamamahala ng pamahalaan, mababang antas ng korapsyon, at maayos ang pagpapatupad ng batas.
  7. Magaling na produksiyong agrikultural.
  8. Mataas ang lebel ng teknolohiya.
  9. Mabuti ang kalusugan ng mga mamamayan.
  10. Malaking bahagdan ng mga mamamayan ang may hanapbuhay.
  11. Sapat na resources para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
  12. Maayos na sistema ng transportasyon.
  13. Malaki ang produksyon ng mga produkto.
  14. Maganda ang takbo ng ekonomiya.
  15. May ganap na industriyalisasyon.

Ilan sa mga bansa sa buong mundo na maunlad ay Hong Kong, Singapore, China, Japan, South Korea, Canada, Switzerland, Norway, Australia, Germany, Italy, United Kingdom, United States, at marami pang iba.

Ang mga bansang nabanggit ay may mataas na kalidad ng buhay. Subalit ang kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa ekonomiya. Ito ay nasusukat din sa kaligayahan at pangkalahatang kapakanan ng mamamayan. Maraming dahilan kung bakit hindi progresibo ang isang bansa. Ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit mabagal pag-unlad ay ang kahirapan, korapsyon, kakulangan sa edukasyon, kawalan ng trabaho, mababang sahod, walang maayos na imprastraktura, labis na paglaki ng populasyon, at marami pang ibang mga panloob na problema at panlabas na salik.

Leave a Comment