Alamin kung ano ang mga palatandaan ng kakapusan – mga masama senyales na may ibig sabihin.
PALATANDAAN NG KAKAPUSAN – Ano ang kakapusan at ano ang mga palatandaan nito? Paano naaapektuhan ang mga tao?
Ang kakapusan ay isang suliranin sa ekonomiks at ito ay nangyayari dahil sa limitadong mga pinagkukunang-yaman. Ang mga tao ang direktang apektado ng problemang ito dahil tayo ang may walang hanggan ang pangangailangan at kagustuhan. Kadalasan, ito ay naihahalintulad sa kakulangan o shortage.

Ngunit ang dalawa ay magkaiba.
Ang kakapusan o scarcity ay dahil sa natural na limitadong pinagkukunang-yaman at ang mga ito ay hindi basta-bastang napapalitan. Mataas ang demand pero limitado ang resources. Ang kakulangan o shortage ay isang kondisyon sa mga pamilihan at ito ay maari pa rin na matugunan sa pamamagitan ng pagbabago sa produksyon at pagtaas-baba ng presyo.
Kakapusan at mga palatandaan nito:
- gutom
- pagkakasakit
- kamatayan at kamatayan dulot ng pagkakasakit at pagkagutom
- gulo o giyera
- kahirapan
- kakulangan ng pagkain
- pagkaubos ng ibang yamang likas
- polusyon
- pagkapinsala ng mga likas na yaman
- mataas na presyo
- mabagal na pag-unlad ng ekonomiya
- pagkasira at pagkaubos ng mga hayop, halaman, at mga bagay na walang buhay
Ilan sa mga rason o dahilan kung bakit ito nangyayari ay ang mga sumusunod:
- Pag-aaksaya/pang-aabuso
- Dumadami at lumalaking populasyon
- non-renewable ang ibang likas na yaman
- tuluyang pagkaubos ng mga limitadong likas na yaman
- kalamidad
Dahil may kakapusan, nangyayari ang trade off o ang pagbitaw sa isang bagay bilang kapalit ng isang kapos na pinagkukunang-yaman at kompetisyon o ang pag-aagawan ng mga pinagkukunang-yaman.
Ito ay tatlong kategorya: demand-induced, supply-induced, at structural.
- demand-induced – kapag mas marami ang nangangailangan ng produkto o serbisyo pero walang pagbabago sa suplay.
- supply-induced – kapag ang suplay ng isang produkto o serbisyo ay mababa kaysa sa mga nangangailangan nito.
- structural – kapag hindi pantay-pantay ang pagkakataon na ibinibigay sa mga tao para makakuha sa mga pinagkukunang-yaman dahil lokasyon, alitang politikal, kawalan ng respeto sa karapatang pantao, at iba pa.