Karapatan Ng Mga Bata At Mga Batas Tungkol Dito

Alamin kung ano ang karapatan ng mga bata para sa kanilang kapakanan at proteksyon.

KARAPATAN NG MGA BATA – Mahalaga na malaman ang mga karapatang ito para sila maprotektahan sa karahasan at pang-aabuso.

Ang karapatan ay tumutukoy sa mga bagay na dapat tinatamasa at natatanggap ng isang tao at ito ay bahagi ng kanyang buhay bilang isang tao. Ito ay pinagkakaloob ng batas, moralidad, at likas na katarungan bilang mga pribilehiyo at kalayaan. Mayroon apat na uri ng karapatan – likas na karapatan, legal na karapatan, pangkalahatang karapatan, at pansariling karapatan.

Karapatan Ng Mga Bata

Bilang ang Pilipinas ay bahagi ng UN Convention On The Rights Of The Child, ikinasa ang Republic Act No. 7610 o ang Special Protection Of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. Dito napapaloob ang karapatan nila mula sa diskriminasyon at pang-aabuso at sino man ang lumabag ay may karampatang parusa.

Lahat tayo ay mayroong mga karapatan pati mga bata at ang mga sumusunod ay ilan sa kanilang mga karapatan ayon sa UN Convention:

  1. Proteksyon mula sa diskriminasyon.
  2. Tiyakin ng gobyerno at mga nakakatanda ang kapakanan ng mga bata sa mga hakbang na kanilang gagawin.
  3. Paggamit ng pamahalaan ng pondo sa tamang paraan para makamit ang mga karapatang ito.
  4. Igalang ng pamahalaan ang karapatan at responsibilidad ng mga magulang na mabigyan ng direksyon at gabay ang mga bata.
  5. Karapatan na mabuhay at mapaunlad ang sarili at mga kakayahan.
  6. Dapat na mai-rehistro dahil karapatan niya na magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
  7. Karapatan na makilala ang mga magulang at maalagaan.
  8. Hindi dapat mahiwalay sa magulang maliban na lamang kung nagdudulot ng kapahamakan ang magulang sa anak.
  9. Kung nakahiwalay sa magulang, karapatan niyang bumiyahe para makasama ang mga magulang sa isang bansa.
  10. Proteksyon mula sa kidnapping at child trafficking.
  11. Karapatan na mapahayag ang kanyang saloobin.
  12. Kalayaan sa pag-iisip at pananampalataya.
  13. Makisama sa ibang mga bata at makilahok sa mga samahan.
  14. Karapatan na magkaroon ng pribadong buhay.
  15. Maging impormado ng mga impormasyon mula sa radyo, telebisyon, at iba pa.
  16. Karapatan na makatangga ng pag-aalaga.
  17. Protektahan ng pamahalaan ang bata mula sa pang-aabuso ng magulang.
  18. Kung hindi mapangalagaan ng kanyang pamilya, responsibilidad ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng bata.
  19. Kung may kapansanan, dapat na may espesyal na kalinga, edukasyon, at pagsasanay para maging maunlad ang kanyang bihay.
  20. Karapatang makatanggap ng maayos na serbisyo sa pangkalusugan, malinis na tubig, masustansiyang pagkain, at malinis na kapaligiran.

Leave a Comment