Florante At Laura – Mga Tagpuan Na Tinukoy Sa Kwento

Ito ang mga lugar na nabanggit sa kwento ni Florante at Laura.

Alamin kung ano ang mga lugar o tagpuan na nabanggit sa kwento ni Florante at Laura, isang sikat na awit na gawa ni Francisco Balagtas.

Ang Florante at Laura ay isang awit, isang panitikan na tanyag sa Pilipinas na gawa ng makata na si Francisco Balagtas. Ito ay nabuo noong panahon ng pananakop ng kastila. Ito ang mga panahon na wala pang ganap na kalayaan sa pagsasalita ang mga mamamayan lalo na kung ang paksa ay tungkol sa masamang pamamalakad ng mga Kastila sa bansa.

Florante At Laura

Si Florante ay anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca at si Laura ay anak ng hari ng Albanya at iniibig ni Florante. Ito ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawa ngunit ang nais maiparating ng makata ay ang malupit na pagmamaltrato ng mga Kastila noon sa mga Filipino.

Mga tagpuan ng kwento:

  • Kaharian ng Albanya – ang kaharian sa panahon ng Impeyo ng Gresya
  • Athens – ang siyudad ng Gresya na doon nag-aral si Florante, Menandro at Adolfo
  • Gubat na Mapanglaw – ang gubat na Albanya na kung saan itinali si Florante sa isang puno at ito ay tinatawag din na “Quezonaria”
  • Kaharian ng Crotona – ang kaharian ng lolo ni Florante
  • Persya – ang bansa na pinagmumulan ni Aladin at Flerida
  • Aetolia – ang rehiyong bulubundukin ng Gresya na kun saan lumaban si Florante sa mga kaaway na Turko
  • Averno – ito ang lugar ng impiyerno kung saan ang mga masasamang tao ay tinatapon at nagdurusa
  • Cocito  – isa sa mga apat nap ilog sa Averno na makamandag ang tubig
  • Mahal na batis  – dito naninirahan ang mga nayades o mga nimpa sa mga batisan

Sa kabilang banda, basahin ang buod nito:

Si Florante ay anak nina Duke Briseo at Princesa Floresca. Noon ay ipinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aaral at si Antenor ang kanyang naging guro doon.

Si Florante at Menandro ay nagkakakilala sa Athena. Naging matalik silang magkaibigan. Bukod kay Menandro, ang akala ni Florante ay kaibigan rin niya si Adolfo – isang lihim na kaaway.

Minsan sa paaralan ang nagtanghal sina Florante at Adolfo. Muntik na siyang mataga ng lihim niyang kaaway at mabuti na lamang at nailigtas siya ni Menandro.

Umuwi si Florante sa kanila sapagkat namatay si Princesa Floresca. Nagwagi siya laban kay Heneral Osmalik na sumakop sa Krotona. Nailigtas rin niya si Laura na naging kasintahan niya.

Subalit, naagaw ni Adolfo ang trono ng Albanya at pati na rin si Laura mula sa hukbo ni Aladin. Labis na nasaktan si Florante sa pagtataksil raw ng kasintahan sa kanya.

Isang araw, nasa gubat si Florante at nakatali siya sa puno. Mayroon ring dalawang leon na pwedeng pwede siyang lamunin ano mang oras. Mabuti na lamang at may dumating na moro.

Iniligtas ng moro si Florante at dinala sa kanila. Ikinuwento ni Florante ang pinagdaanan niya sa buhay at kung paano niya nailigtas si Laura mula sa mga hukbo ni Aladin.

Buong tapang na sinabi ng moro ang totoo na siya si Aladin. Nagkwento siya ng kanyang karanasan at higit pa pala ito sa naranasan ni Florante. Iniwan rin siya ng kasintahang si Flerida at ang ama pa niya ang umagaw ng kanyang nobya.

Pagkatapos nilang magkwentuhan, narinig nilang may dalawang babaeng nagkukwentuhan sa labas. Yun pala ay sina Laura at Flerida na nagtagpo rin habang tumatakas sa mga lalaking tumangay sa kanila.

Doon napagtanto nina Florante at Aladin na hindi sila pinagtaksilan ng kani-kanilang mga kasintahan.

Leave a Comment