Florante At Laura Tauhan – Kilalanin Ang Mga Karakter Ng Kwento

Kilalanin ang mga tauhan ng Florante at Laura – ang mga karakter na ating minahal.

FLORANTE AT LAURA TAUHAN – Ito ang mga tauhan o karakter ng kilalang awit na isinulat ni Francisco Balagtas, isang obra maestra ng panitikang Pilipino.

Ang “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas ay umiikot sa kwento ng buhay ni Florante na heneral ng Albanya at ang pag-iibigan nila ni Laura. Ito ay nakasulat sa anyong awit, isang akda na binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod at 4 na taludtod sa bawat saknong.

Florante at Laura Tauhan

Ito ay kinuha sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa bansa na hindi lamang isang kwento ng pag-ibig kundi kwento ng realidad ng lipunan dahilan kung bakit ito ay pinapahalagahan hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga tauhan ng Florante at Laura ay ang mga sumusunod:

  • Florante
    • binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca at nahalal na heneral sa hukbo ng Albanya
  • Laura
    • anak ni Haring Linceo at ang tanging pag-ibig ni Florante
  • Adolfo
    • anak ng magiting si Konde Sileno ng Albanya. Isang taksil na naiinggit kay Florante at kanyang karibal
  • Aladin
    • prinsipe ng Persiya at ang gererong Moro. Siya ay anak ni Sultan Ali-adab
  • Flerida
    • Isang matapang na babaeng Moro na tumakas sa Persiya upang hanapin si Aladin, ang kaniyang kasintahan. Siya rin ang tagapagligtas ni Laura
  • Menandro
    • Ang matapat na kaibigan ni Florante
  • Duke Briseo At Prinsesa Floresca
    • Mga magulang ni Florante
    • Si Duke Briseo ay ang tagapayo ni Haring Linceo ng Kaharian ng Albanya
  • Haring Linceo
    • Ang hari ng Albanya at ang ama ni Laura
  • Antenor
    • Ang magiting na guro at ang amain ni Menandro
  • Konde Sileno
    • Ang ama ni Adolfo
  • Heneral Miramolin
    • Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya
  • Heneral Osmalik
    • Heneral ng Persya na lumusob sa Krotona
  • Sultan Ali-abab
    • Ang ama ni Aladin na umagaw ng kanyang kasintahang si Flerida
  • Menalipo
    • Ang pinsan ni Florante
  • Hari ng Krotona
    • Ang ama ni Prinsesa Floresca

Leave a Comment