Ano ang mga katangiang pisikal ng Asya? Alamin at pag-aralan.
KATANGIANG PISIKAL NG ASYA – Ito ang mga pisikal na katangian ng pinakamalaking kontinente sa buong daigdig.
Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo at sa lawak nito, iba-iba ang mga kaanyuang pisikal ang matatagpuan dito kagaya ng kinaroroonan, sukat, hugis, mga anyong lupa, at mga anyong tubig. Sa sukat at hugis, umaabot sa 44,339,000 kilometrong kwadrado kasama ang mga pulo ang sukat ng Asya.

Kinaroroonan ng Asya:
- Hilaga: Mula sa paanan ng Kabundukang Ural hanggang sa baybayin ng Karagatang Arctic at tuloy-tuloy sa kipot ng Bering.
- Silangan: Mula sa Kipot ng Bering patungo sa Karagatang Pasipiko.
- Timog: Nakapaligid ang Dagat Timor hanggang sa Karagatang Indian at Dagat Arabia.
- Sa Kanluran: Ang mga hangganan ay ang Dagat Arabia papuntang Dagat Mediterranean hanggan sa Dagat Aegean, Kipot Dardanelles at Bosporus, Black Sea at Bundok Caucasus hanggan Kabundukang Ural.
Mga bundok:
Sa Asya matatagpuan ang Bundok Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Ito ay may taas na 8,848 metro mula sapamantayan ng tubig.
Mga bulkan:
Sa Japan lamang ay mayroon ng 165 na bulkan at 54 dito ay aktibo. Pinakatanyag sa bansang ito ang Mount Fuji at sa Pilipinas naman ay ang Mount Mayon at Taal Volcano. Kilala rin ang Krakatoa sa Indonesia.
Mga talampas:
Ang Tibet ang pinakamalaking Talampas sa buong mundo at may taas na 4,545 metro at sukat na 1,040,000 kwadrado. Isa pang malaking talampas ay ang Deccan na matatagpuan sa India.
Kapatagan at lambak:
Ang Indus-Ganges ay nasa hilaga ng India, ang Ilog Huang Ho, Yang Tze, at Amur ay nasa China, ang Mekong ay sa Indotsina, Ilog Chao Phraya ay sa Thailand, Ilog Irrawady at Salween sa Myanmar, at sa Pilipinas ay ang Gitnang Luzon at Koronadal.
Disyerto:
Nasa China ang Takla Makan at Gabi at mayroon ding mga disyerto sa Arabia, Iran, Iraq, at India.
Kapuluan:
Ang Indonesia ang pinakamalaking pulo habang ang Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng 7,107 pulo.
Karagatan at dagat:
Maliban sa Karagatang Atlantiko, ang tatlong karagatan na nakapalibot sa Asya ay ang Karagatang Pasipiko sa Silangang Asya, Karagatang Indian sa Timog, at Arktiko sa Hilaga. Ang mga dagat tulad ng Timog Dagat Tsina ay napaliligiran ng Vietnam, Malaysia, Indonesia, at Pilipinas; Mediterranean ay pangalawang pinakamalaki; Daga Bering sa pagitan ng Asya at Hilagang Amerika; Dagat Okhatsk sa hilaga ng Japan; Black Sea sa pagitan ng Turkey at Russia; at Red Sea sa pagitan ng Saudi Arabia at baybayin ng Africa.