Panitikang Popular – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Ano ang panitikang popular at mga halimbawa nito?

PANITIKANG POPULAR – Alamin at pag-aralan ang kahulugan nito, mga halimbawa, at mga katangian nitong taglay.

Ang panitikang popular ay may kaugnayan sa kulturang popular. Ito ay gumagamit ng mga makabagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa na nagtataglay ng mga katangian na kakaiba sa ating nakagisnan. Ito ang ilang pagpapakahulugan sa mga salitang ito:

  • Panitikan – Isang sining na gumagamit ng wika para maghayag ng mga saloobin, kaisipan, damdamin, at karanasan.
  • Kultura – Ang “kaparaanan ng mga tao sa buhay” o ang mga paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay.
  • Popular – Sikat, uso, at patok.
  • Kulturang Popular – Isang kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipang popular.
  • Panitikang Popular – Isa sa mga makabagong anyo ng panitikang naglalarawan sa pamumuhay ng mga madla sa kasalukyang panahon.

Mga katangian panitikang popular ayon kay Soledad S. Reyes

  • Napapanahon
  • Panandalian
  • Pangmasa
  • Lihis sa tradisyunal na kultura
  • Nang-aaliw

Mga babasahin

  • Hugot Lines o mga modernong tayutay na kalimitan ay tungkol sa romansa o pag-ibig. Ito ay kadalasang balbal.
  • Pick-up Lines ay isang paraan ng pagbubukas ng komunikasyon sa isang tao na kilala o maari ring hindi ganoon kakilala. Ito ay isang pagpapahayag ng mga saloobin na sa isang paraan na nakakatawag pansin.
  • Dagli o Kislap (Kwentong ISang igLAP) ay tinatawag din na flash fiction na nagsimulang lumaganap noong unang dekada ng kolonyalismong Amerikano. Ito ay maikli lamang.
  • Six-Word Story – Ito ay sobrang ikli pero malakas ang tama.
  • Komiks – Ito ang kultura ng mga manunulat at dibuhistang malawak ang imahinasyon. Ang komiks ay may iba’t ibang uri tulad ng alternative comic books, horror, manga, action, romance o adult, science fiction, at fantasy.

Ang mga palahad o pasalita ay ang mga sumusunod:

  1. Spoken Poetry – isang malayang uri ng tula kung saan ito ay mailalahad sa paraang iyong nais at maari kang gumamit ng iba’t ibang tema.
  2. Informance – Ito ang pinaghalong salita ng onformation at perfromance.

Leave a Comment