Ano ang tatlong sangay ng agrikultura sa paghahalaman?
Alamin at pag-aralan kung ano ang tatlong sangay ng agrikultura sa paghahalaman, isang mahalagang bahagi ng ekonomiya.
ANO ANG KAHULUGAN NG AGRIKULTURA?

Ito ay “dapat itaguyod ng estado ang industriyalisasyon at pagkakataon na makapaghanapbuhay ang lahat batay sa mahusay na pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang pansakahan” ayon sa Artikulo XII Seksyon 1 ng 1986 Konstitusyon ng Pilipinas. Ito ang proseso ng pag-aalaga, pagpapalago, at pag-aani ng halaman at hayop para sa pagkain, kasuotan, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.
Ang mga sektor ng agrikultura
- Paghahayupan – Pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, baboy, itik, pabo, at baka.
- Pagsasaka – Ito ay pananim ng Pilipinas na katulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, at iba pa.
- Pagtotroso – Ang legal na pagputol, pagkalso, pagproseso, at pagkarga ng mga puno o troso sa mga trak para magamit bilang hilaw na materyal.
- Pangingisda – Isang paraan ng pamumuhay sa Pilipinas na ginagawa sa iba’t ibang anyo ng tubig tulad ng lawa, ilog, at dagat.
- Pagmamanukan – Ang manok ang isa sa mga pinakamalaking konsumo ng mga tao at ang pagmamanukan ang pagsasaka ng manok kung saan nakakakuha tayo ng karne at itlog bilang pangkain.
- Pagmimina – Kung saan kumukuha ng mga produktong mineral.

Mga sangay nito sa paghahalaman
- Agronomy
Ito ang pag-aaral ng lupa at paano nito naapektuhan ang paglaki ng mga halaman. Nagpapainam ito ng mga metodong mas nagpapahusay sa paggamit ng lupa at makakapagpataas ng dami ng pagkain at mga pananim. Ginagamit ang mga halaman para makabuo ng mga produkto tulad ng pagkain, panggatong, pakain sa hayop, hibla, at reklamasyon.
- Horticulture
Ito ang sangay na nagpo-prodyus ng mga pangunahing pananim gaya ng mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, tabako, at iba pa. Ito ang mga pananim na madalas na kinukonsumo ng mga tao hindi lang sa ating bansa kundi pati na rin sa iba.
- Forestry
Ito ang hakbang para malinang ang ating yamang gubat. Dito nagmumula ang ilan sa mga mahalagang produkto na may kinalaman sa kahoy tulad ng plywood at veneer.