Halimbawa Ng Sanhi At Bunga Na May Hudyat

Ano ang mga halimbawa ng sanhi at bunga? Alamin at pag-aralan.

HALIMBAWA NG SANHI AT BUNGA – Alamin ang kahulugan at mga halimbawa na may hudyat sa artikulong ito batay sa iba’t ibang mga pangyayari.

Ano ang sanhi at bunga? Ito ang konsepto kung saan ipinapaliwanag ang relasyon ng dalawang pangyayari – ang isa ay ang dahilan (sanhi) at ang isa ay ang kinalabasan (bunga). Mahalaga na maunawaan natin ito upang maunawaan ang mga pangyayari sa paligid at makagawa ng tamang desisyon. Ito rin ay nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang bahagi ng isang pangungusap.

Halimbawa Ng Sanhi At Bunga

Ang sanhi ang nagbibigay paliwanag o dahilan sa mga pangyayari habang ang bunga naman ang resulta ng mga nangyari.

Mga halimbawa

  • Sanhi: Malakas ang hangin.
  • Bunga: Nilipad ang bubong ng bahay.
  • Sanhi: Hindi nag-aral si Juan.
  • Bunga: Hindi siya nakapasa sa pagsusulit.
  • Sanhi: Kumakain ng marami si Pedro palagi.
  • Bunga: Siya ay tumaba.

Mga hudyat

Mga Salitang Hudyat na Nagpapahayag ng Sanhi

  1. Bunsod ng
  2. Dahil
  3. Dahil dito
  4. Dahil sa
  5. Dahilan sa
  6. Kasunod ng
  7. Ngunit
  8. Palibhasa
  9. Sa dahilan ng
  10. Sa kadahilanang
  11. Sa likod ng
  12. Sanhi ng
  13. Sapagkat

Mga Salitang Hudyat na Nagpapahayag ng Bunga

  1. Bilang resulta
  2. Kaya
  3. Kaya naman
  4. Kaya’t
  5. Kung gayon
  6. Kung kaya
  7. Nang sa gayon
  8. Sa gayon
  9. Sa huli
  10. Sa kalaunan
  11. Sa wakas
  12. Samakatuwid

Mga halimbawa na may hudyat

  1. Dahil sa malakas ang hangin, nilipad ang bubong ng bahay.
  2. Hindi nag-aral si Juan, kaya naman hindi siya nakapasa sa pagsusulit.
  3. Kumakain ng marami si Pedro palagi, kaya naman siya ay tumaba.
  4. Hindi nagbayad ng kuryente ang pamilya, kaya’t naputulan sila.
  5. Bunsod ng pagkakaroon ng bagong batas, naging mas ligtas ang paglalakbay sa karagatan.
  6. Dahil sa pagtatapon ng basura sa ilog ay lumaganap ang pagbaha.
  7. Hindi siya pumasa sa interview kaya naman hindi siya natanggap sa trabaho.
  8. Bilang resulta ng pagtapon ng basura sa ilog, nagkaroon ng polusyon sa tubig.
  9. Sanhi ng pagkakaroon ng sakit ay hindi siya makakapaglaro ng volleyball.
  10. Dahil sa pagtitipid sa kuryente, bumaba ang halaga ng kanilang bill sa buwang ito.

Leave a Comment