Ano Ang Nobela At Ilan Sa Mga Sikat Na Nobelang Pinoy

Alamin kung ano ang nobela at ilan sa mga halimbawa nito.

ANO ANG NOBELA – Sa panitikan, ito ay isang katha na kadalasan ay tumatalakay ng iba’t ibang tauhan, pangyayari, at lugar na pawang kathang isip lamang.

Ang nobela ay nagsasalamin ng mga aral, damdamin, damdamin, at karanasan ng mga tauhan. Ito ay binubuo ng iba’t ibang mga elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, pananaw, tema, damdamin, pamamaraan, pananalita, at simbolismo. Ilan sa mga layunin ng isang nobela ay gumising ng diwa at damdamin, magbigay aral, magsilbing daan tungo sa pagbabago, at magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.

Ano Ang Nobela

Ito ay may anim na uri:

  • Nobela ng Kasaysayan
  • Nobela ng Pagbabago
  • Nobela ng Pag – ibig o Romansa
  • Nobela ng Pangyayari
  • Nobelang Panlipunan
  • Nobela ng Tauhan

Katangian ng nobela

  • Maliwanag at maayos na pagkakasulat ng mga tagpo at mga kaisipan.
  • Pumuna ng iba’t ibang mga aspeto sa buhay.
  • Malikhain at maguni-guni ang paglalahad.
  • Kawili-wili dahil pumupukaw ng damdamin ng mga mambabasa.
  • Maraming tagpo at kaganapan.

Mga Sikat Na Nobelang Pinoy

Noong Panahon ng Kastila:

  1. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
  2. Doctrina Christiana (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva
  3. Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro
  4. Barlaan at Josaphat (1703) ni Padre Antonio de Borja
  5. Ninay ni Pedro Paterno
  6. Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaena 

Noong Panahon ng Amerikano:

  1. Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos
  2. Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña
  3. Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña
  4. Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña
  5. Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado

Noong Panahon ng Ilaw at Panitik:

  1. Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo
  2. Magmamani ni Teofilo Sanco

Noong Panahon ng Hapon:

  1. Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz (1944)
  2. Sa Lundo ng Pangarap ni Gervacio Santiago
  3. Lumubog ang Bitwin ni Isidro Castillo (1944)
  4. Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo

Noong Panahon ng Republika:

  1. Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes
  2. Binhi at Bunga ni Lazaro Francisco
  3. Dekada 70 ni Lualhati Bautista
  4. Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
  5. Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
  6. Daluyong ni Lazaro Francisco

Iba pang mga nobela:

  1. Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos
  2. Kanal dela Reina ni Liwayway Arceo
  3. Kangkong 1896 ni Ceres Alabado
  4. Bata, Bata…Pa’no Ka Ginawa? (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
  5. Nena at Neneng niValeriano Hernandez Peña
  6. Gapô (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
  7. Mag-anak na Cruz ni Liwayway Arceo
  8. Titser ni Liwayway Arceo

Leave a Comment