Ilan sa mga nobelang Pilipino sa iba’t ibang mga panahon.
MGA NOBELANG PILIPINO – Ang Pilipinas ay may mayaman na panitikan na tumatalakay ng iba’t ibang paksa at ito ang mga halimbawa.
Ano ang nobela? Ito ay “nagsasalamin ng mga aral, damdamin, damdamin, at karanasan ng mga tauhan” at “binubuo ng iba’t ibang mga elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, pananaw, tema, damdamin, pamamaraan, pananalita, at simbolismo.” Ang mga nobela na mga inilimbag ay nagbabago sa bawat panahon na may impluwensya ng iba’t ibang mga kaganapan at ang bawat salita sa limbag ay nagsasalamin ng mga kaganapan na nangyari sa bawat panahon.

Noong Panahon ng Kastila
Sa panahong ito, mayroong Commission Permanente de Censura na sumusuri sa mga akda para siguraduhin na walang anuman ang may akda laban sa pamahalaang Kastila. Mayroong mga nobelang pangrelihiyon at nobelang mapaghimagsik.
- Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
- Doctrina Christiana (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva
- Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro
- Barlaan at Josaphat (1703) ni Padre Antonio de Borja
- Ninay ni Pedro Paterno
- Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaena
Noong Panahon ng Amerikano
Ang panahong ito ay nahahati sa tatlo: Panahon ng Aklatang Bayan (1900-1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934), at Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934-1942). Ang mga nobela ay tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay-lalawigan, at karanasan.
- Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos
- Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña
- Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña
- Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña
- Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
Noong Panahon ng Ilaw at Panitik
- Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo
- Magmamani ni Teofilo Sanco
Noong Panahon ng Hapon
Hindi maunlad ang nobela sa panahong ito dahil sa kakulangan sa materyales at niliitan ang mga letra sa Liwayway.
- Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz (1944)
- Sa Lundo ng Pangarap ni Gervacio Santiago
- Lumubog ang Bitwin ni Isidro Castillo (1944)
- Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo
Noong Panahon ng Republika
Ang mga paksa ay kadalasang tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan, at pang-aliw sa mambabasa.
- Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes
- Binhi at Bunga ni Lazaro Francisco
- Dekada 70 ni Lualhati Bautista
- Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
- Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
- Daluyong ni Lazaro Francisco
Iba pang mga nobela:
- Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos
- Kanal dela Reina ni Liwayway Arceo
- Kangkong 1896 ni Ceres Alabado
- Bata, Bata…Pa’no Ka Ginawa? (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
- Nena at Neneng niValeriano Hernandez Peña
- Gapô (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
- Mag-anak na Cruz ni Liwayway Arceo
- Titser ni Liwayway Arceo