Ito ang mga kontribusyon ng Kabihasnang Tsino sa mundo.
KABIHASNANG TSINO – Isa sila sa mga pinakamatandang kabihasnan sa mundo at ito ang ilan mahahalagang ambag nito.
Napakarami ng naiambag ng Kabihasnang Tsino sa mundo sa iba’t ibang aspeto tulad ng pilosopiya, paniniwala, sistema ng pagsusulat, panitikan, teknolohiya, medisina, agrikultura, sining, arkitektura, politika, serbisyo sibil, at kalakalan. Hanggang sa kasalukuyan, marami sa kanilang naiambag ang ginagamit pa rin hanggang ngayon at pinapahalagahan hindi lamang sa Asya, kundi sa buong mundo.

Tinataya na nasa 4,000 taon na ang tanda ng kabihasnang ito. Ayon sa kasaysayan, ang China ay pinamunuan ng mga dinastiyang Hsia, Shang, Zhuo, Chin, Han, Sui, T’ang, Song, Yuan, Ming, at Ching.
Mga ambag nga kabihasnang ito:
- Kaligrapiya o ang sistema ng pagsusulat na ginagamitan ng mga simbolong panlarawan
- Ancestral Worshipping
- Paggamit ng bronze, jade, porselana, at ivory
- Paggawa ng dike, kalsada, at mga irigasyon
- Paggamit ng pana bilang sandata sa pakikidigma
- Paggamit ng wood block printing
- Mga uri ng pananampalataya gaya ng Buddhism
- Ang Civil service Examination para sa mga kawani ng pamahalaan
- Pagtatayo ng Great Wall of China at ang pagtatatag ng Forbidden City
- Pagbuo ng abacus at pagka-imbento ng mga negatibong numero at mga desimal
- Sa pilosopiya at pag-aaral, nalaman natin ang Confucianism o mga aral ni Confucius tungkol sa moralidad at tamang asal, Taoism o mga ara ni Laozi tungkol sa pamumuhay nang simple at ayon sa kalikasan, at legalismo o sistemang pampolitika.
- Paggamit ng compass at gunpowder.
- Paggawa ng papel na naimbento noong panahon ng Han Dynasty.
- Nagpakilala ng Civil Service Exam o ang sistema ng pagsusulit sa pagpili ng mga opisyal ng pamahalaan batay sa kakayahan.
Ito ay ilan lamang sa kanilang na-ambag pero nagpapatunay ng kanilang katalinuhan, disiplina, at pagpapahalaga sa kaayusan. Malalim ang kanilang kasaysayan at kultura na nakaimpluwensya ng marami sa buong mundo.