Pambansang Teritoryo Ng Pilipinas Ayon Sa Saligang Batas

Hanggang saan ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ayon sa saligang batas?

PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINAS – Alamin ang teritoryo ng bansa kasama ang mga pulo at mga karagatan na napapaloob dito.

Saan matatagpuan ang Pilipinas? Ang absolutong lokasyon ng bansa ay 12.8797° N (hilaga), 121.7740° E(silangan). Makikita ang mga bansang Taiwan, China, at Japan sa hilaga; Vietnam, Laos, Cambodia, at Thailand sa kanluran; at Brunei, Malaysia, at Indonesia sa Timog.

Pambansang Teritoryo Ng Pilipinas

Ngayong alam mo na ang lokasyon ng Pilipinas, dapat ay alam mo rin ang hangganan ng bansa o ang teritoryo nito. Ang bansa ay binubuo ng higit sa 7,000 na isla bilang isang arkipelago at may mga batas tungkol kung saan nakapaloob ang ating nasasakupan.

Ano ang mga batas na ito?

Ayon sa Saligang Batas ng 1935 Artikulo I, Seksyon 1:

The Philippines comprises all the territory ceded to the United States by the Treaty of Paris concluded between the United States and Spain on the tenth day of December, eighteen hundred and ninety-eight, the limits which are set forth in Article III of said treaty, together with all the islands embraced in the treaty concluded at Washington between the United States and Spain on the seventh day of November, nineteen hundred, and the treaty concluded between the United States and Great Britain on the second day of January, nineteen hundred and thirty, and all territory over which the present Government of the Philippine Islands exercises jurisdiction.

Ibig sabihin, ang teritoryo ng bansa ay binubuo ng lahat na ipinagkaloob ng Estados Unidos sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris na nilagdaan noong Disyembre 10, 1898. Kasama rito ang lahat na isla na isinaad sa Kasunduan sa Washington na nilagdaan noong Nobyembre 7, 1900, at ng Kasunduan sa Great Britain na nilagdaan noong Enero 2, 1930.

Ayon sa Saligang Batas ng 1973 Artikulo I, Seksyon 1:

Binubuo ng pambansang teritoryo ang kapuluan ng Pilipinas, kasama ang lahat ng mga isla at tubig na niyakap doon, at lahat ng iba pang teritoryong pag-aari ng Pilipinas sa pamamagitan ng makasaysayang karapatan o legal na titulo, kabilang ang teritoryal na dagat, ang kalawakan, ang ilalim ng lupa, ang dagat -kama, mga istante ng insular, at iba pang mga submarino na lugar kung saan ang Pilipinas ay may soberanya o hurisdiksyon. Ang mga tubig sa paligid, pagitan, at nag-uugnay sa mga isla ng kapuluan, anuman ang lawak at sukat nito, ay bahagi ng panloob na katubigan ng Pilipinas.

Ito rin ang nasasaad sa 1987 Kontitusyon ng Pilipinas Artikulo I, Seksyon 1 tungkol sa teritoryo ng bansa.

Sa Republic Act No. 3046 ng 1961, nakalahad ang batayang-guhit na nagpapakita ng tiyak na hangganan ng teritoryo ng Pilipinas kasama ang lahat ng tubig sa paligid, pagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, gaano man kalawak o kalalim. Parehong batas ang nakasaad sa Republic Act No. 5446 ng 1968 at Republic Act No. 9522 ng 2009.

Leave a Comment