Paano Nga Ba Gumawa Ng Isang Bugtong? (Sagot)
PAANO GUMAWA NG BUGTONG – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga paraan kung paano gumawa ng isang bugtong.
Ang mga bugtong ay isang maganda at masayang paraan upang mapatalas natin ang ating kritikal na pag-iisip. Ito’y dahil ang isang bugtong ay kadalasang nangangailangan ng pag-iisip na higit pa sa kung ano lamang ang nasa harap.
Isa sa mga una mong pwedeng gawin ay magbasa ng iba’t-ibang uri ng mga bugtong. Dahil dito, makaka kuha ka ng inspirasyon kung paano mo isusulat ang iyong mga bugtong at ang uri ng bugtong na gustong mong gawin.
Pag-isipan mo rin na ang mga sagot sa bugtong ay kadalasang mga ordinaryong bagay. Kaya, kapag gagawa ka ng bugtong, mag-isip ka muna ng mga katangian ng bagay na ito. Halimbawa, tignan natin ang salitang “Flash Light”. Heto ang gagawin nating sagot sa bugtong.
Una, aalamin muna natin ang katangian nito, pwede itong maliit, o malaki. Pero, higit sa lahat, ito’y may ilaw. Tapos, kung saan natin ituro yung flash light doon pupunta ang ilaw nito. Maari natin yang gamitin. Halimbawa: Dito tinanim doon tumubo.
Kung ang sagot naman ng bugtong natin ay tungkol sa mga Face Mask, maaari rin nating pag-isipan hindi lamang ang katangian ng bagay na ito, kundi kung saan at para saan siya ginagamit.
Sa panahon ng pandemya, kailangan nating iwasan ang pagkalat ng sakit, kaya gumagamit tayo ng Face Mask. Bukod rito, may mga kaso rin ng COVID-19 kung saan nawawalan ng panlasa ang mga nakakuha nito. Pwede nating itong gamitin sa bugtong: “Huwag kalimutan sa pag-alis, dahil sigurado’y panlasa ay iyong ma mi-miss“.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Bugtong Tungkol Sa COVID-19 – Halimbawa Ng Bugtong