Kahulugan Ng Salawikaing “Itaga Mo Sa Bato”
ITAGA MO SA BATO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salawikaing “Itaga Mo Sa Bato”.
Kapag sinabi nating “itaga mo sa bato”, katulad lamang ito ng “pagsumpa”. Ito rin ay maihahalintulad sa pagbibigay ng pangakong hinding-hindi mababali o masira. Dahil rito, masasabi natin na ang “itaga mo sa bato” ay paraan ng pagsabi ng bagay na kailangan mong tandaan.
Ayon sa mga iskolar, ang salawikaing ito ay galing pa sa panahon ni Moses. Kanyang itinaga sa bato ang mga utos ng Diyos. Ang Mga utos na ito ay naging palatandaan sa mga tao na dapat itong sundin.
Kaya naman, sinimulan ang Ingles na kasabihan na “it is written in stone”, o “itaga mo sa bato” sa Tagalog. Ito rin ay simbolo ng pangako dahil hindi mo na ma-aaalis ang mga naka sulat sa bato, hindi katulad ng pagsulat sa papel gamit ang lapis o ballpen.
Dahil dito, masasabi natin na ang mga nakataga sa bato ay permanente at hinding hindi na maiiba. Kaya naman, kapag ikaw ay nangako, maaari mo itong itaga sa bato.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Slogan Na May Karunungang-Bayan – Halimbawa At Iba Pa