Basahin ang alamat ni Mariang Sinukuan, ang diwata ng Arayat.
ALAMAT NI MARIANG SINUKUAN – Ito ang buod ng isang sikat na alamat tungkol sa engkantadang nakatira sa Bundok ng Arayat sa Pampanga.
Ang panitikang Pilipino ay makulay dahil sa mga alamat na maririnig mula sa iba’t ibang lugar. Kadalasan sa ating mga alamat na naririnig ay tungkol sa mga diwata at engkanto katulad na lamang ni Mariang Makiling ng Los Banos at Maria Cacao ng Cebu. Isa rin sa mga tanyag ay ang kwento ni Mariang Sinukuan.
![Alamat Ni Mariang Sinukuan](http://newsfeed.ph/wp-content/uploads/2025/02/Alamat-Ni-Mariang-Sinukuan.jpg)
Siya ay isang engkantada na nakatira sa bundok ng Arayat sa Pampanga. Siya ay maganda, matangkad, kaakit-akit, agaw-pansin na mga ngiti, at kahit marikit, tila siya nababalot ng misteryo. Tuwang-tuwa siya sa mga taong nakikita lalo na ang mga taong gumagawa ng kabutihan. Siya ay maawain at nagbibigay ng tulong sa mga tao.
Basahin ang buod ng alamat:
May isang napakabait na diwata sa bundok Arayat. Siya si Mariang Sinukuan, ang may-ari ng bundok na ito. Madalas niyang binibiyayaan ang mga tao ng mga pagkain tulad ng prutas, at iba pang likas na yaman.
May nagtangkang magnakaw ng pagkain sa kanyang kagubatan isang araw. Ang sako ay puno ng iba’t ibang klase ng mga prutas na kanilang ninakaw. Habang sila ay umalis sa kagubatan ay naramdaman nilang biglang bumibigat ang kanilang mga dala. Nang binuksan ang sako ay puno na ng mga bato.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na inabuso ang kanyang kabaitan. Kaya siya napuno ng galit at pinarusahan niya ang mga tao. Nagutom na sila dahil wala na silang napakinabangan pang mga likas ng yaman ng kagubatan at mula noon, hindi na muling nagpakita si Mariang Sinukuan.
Ano ang mga aral na mapupulot sa alamat?
- Huwag maging sakim.
- Pangalagaan ang kalikasan.
- Maging ma-respeto sa lahat.
- Huwag magnakaw at huwag umabuso.
- Maging kontento sa mga biyaya na ibinigay.