Ano ang anapora at katapora, at mga halimbawa nito.
ANAPORA AT KATAPORA – Ito ang mga elementong nagbibigay ng pagkakaugnay-ugnay sa mga pangungusap at kaisipan. Basahin ang mga halimbawa.
Ang Kohesyong Gramatikal o Cohesive Devices ay ang mga salita na nagsisilbing pananda para hindi na maulit-ulit pa ang pagbigkas o pagbasa ng isang salita. Ito ay ang mga panghalip na tumutukoy sa mga bagay, tao, lugar, o hayop, tulad ng ito, dito, doon, iyon, sila, siya, tayo, kanila, kanya, at iba pa.

Ito ay may dalawang konsepto: ang anapora at ang katapora.
Ang anapora ay ang mga “panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap.”
Mga halimbawa ng anapora:
- Sina Chloe at Cassandra ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig mag-aral.
- Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na kayamanan ng isang bansa.
- Sina Jared at Jake ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig magbasa ng libro.
- Sumali si Via sa Paligsahan at nanalo siya.
- Si Mina ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa siya.
Ang katapora ay “tumutukoy sa mga salitang ginagamit upang itago o hindi na ulitin ang isang salita, pangungusap, o mga parirala na nabanggit na sa teksto.”
- Gusto mo ba siyang makita? Ang bagong guro natin, si Ginoo Santos.
- Hindi ko siya makakalimutan, si Mark, na naging pinakamatalik kong kaibigan.
- Kailangan ka niya, si Ana, dahil may problema siya ngayon.
- Gusto mo ba siyang marinig? Ang sikat na mang-aawit na si Regine Velasquez.
- Gusto ko ito, ang regalong binigay mo sa akin.
Pagkakaiba ng anapora at katapora
Ang pagkakaiba ng dalawang konseptong ito ay makikita kung paano sila ginagamit sa isang teksto. Base sa mga halimbawa, anf anapora ay tumutulong upang iugnay ang mga salita, pangungusap, o parirala sa mga naunang bahagi ng teksto. Sa kabilang banda, ang katapora naman ay ginagamit upang maiwasan ang pag-uulit o maitago ang isang salita, pangungusap, o parirala na tinalakay na sa akda.