Basahin ang buod ng Ang Alibughang Anak at mga aral na napapaloob sa kwento.
ANG ALIBUGHANG ANAK BUOD – Ito ay isang kwento na puno ng talinghaga at aral. Basahin ang buod nito sa ibaba.
Ang kwento ng Alibughang Anak ay naglalarawan ng napakaraming disposisyon sa buhay ng isang tao. May mga aral tungkol sa pagiging makasarili, inggit, yabang, at katigasan ng ulo ay mayroon ding tungkol sa pagmamahal, pagpapatawad, pagtanggap, at pagkahabag.
![Ang Alibughang Anak Buod](http://newsfeed.ph/wp-content/uploads/2025/02/Ang-Alibughang-Anak-Buod.jpg)
Basahin ang buod ng kwento:
May isang pamilyang may-kaya sa buhay. Ang mag-asawa sa pamilyang ito ay nagkaroon ng dalawang lalaking anak. Simula’t sapul, ang ama ay nagbibigay na ng tulong sa kanyang mga anak. Sila rin ay magkasama sa matagal na panahon.
Pero, isang araw, nagpasiya ang bunsong anak na kukunin na raw lamang niya ang mana at napag-isipang mag-isa na lamang. Binigay ito ng kanyang ama at nagsimula nang umalis ang kanyang bunsong anak.
Ngunit, pagkalipas ng panahon, ginastos lamang ng bunsong anak ang kanyang manang pera. Bukod rito, nabaon pa siya sa utang. Dahil rito, naghirap ang bunsong anak. Matapos ito, bumalik naman ang bunsong anak sa kanyang ama at siya rin ay tinanggap.
Nung nalaman ito ng kanyang nakakatandang kapatid lumabas ito ng galit sa kanyang ama. Hindi niya matanggap ang kanyang desisyon. Ngunit, nalaman niya na ginawa lamang ito ng kanyang ama para malaman niya ang tunay na halaga ng isang pamilya.
Pagkatapos nito, nag bago ang kanyang saloobin sa nakababatang kapatid at pinatawad niya ito.
Mga aral ng kwento:
- Pagmamahal ng isang magulang na hindi matatawaran at hindi masusukat. Ang ama sa kwento ay sumisimbolo rin sa Diyos na laging handang tanggapin tayong lahat anuman ang ating pagkukulang at kasalanan.
- Pagtanggap ng mali sa pagsisi. Hindi sa lahat ng oras, tayo ay tama. Bago gawin ang desisyon, pag-isipan muna ito ng mabuti.
- Pagbibigay ng tiwala at kalayaan sa isang tao. Tayo ay may kalayaan na pumili pero dapat din na matandaan na ang bwat desisyon ay may kaakibat na responsibilidad.
- Ang kasamaan at panganib ng pagwawaldas. Walang sinuman ang umasenso sa pagwawaldas ng pera ng walang habas. Maging matalino at maingat sa mga pagpapala na ibinigay.
- Pagpapatawad at pagtanggap na kaakibat ng pagmamahal. Ang Diyos ay laging handang magpatawad.
- Huwag mainggit sa mga pagpapala at biyaya na ikinaloob sa iba.