Alamin kung ano ang pantukoy at mga halimbawa nito.
ANO ANG PANTUKOY – Isa sa mga bahagi ng pananalita ay pantukoy or article sa English at ito ang dalawang uri nito.
Ang pantukoy ay ang mga kataga na ginagamit sa pagpapakilala sa pangngalan. Ito ay tinatawag na article sa wikang Ingles. Ang mga panandang pantukoy ay si, sina, ang, at ang mga.
Dalawang Uri ng Pantukoy
1. Pantukoy na Pambalana – tumutukoy sa mga pangngalang pambalana at ito ay ang mga salitang “ang” at “ang mga”.
2. Pantukoy na Pantangi – tumutukoy sa mga pangngalang pantangi tulad ng mga salitang “si”, “sina”, “ni”, “nina”, “kay”, at “kina”. Ang mga pangngalang pantangi ay mga tiyak na pangalan.
- Si – ginagamit kapag ang pangngalan na tinutukoy ay isang tao lamang.
Halimbawa:
- Si Maria – Ang aking kaaway ay si Maria.
- Si Kenneth – Si Kenneth ang huli kong nakausap bago ako umalis ng bahay.
- Si Gabriel – Bakit si Gabriel na naman ang may kasalanan?
- Sina – ginagamit kapag ang pangngalan na tinutukoy ay dalawa o higit pang tao.
Halimbawa:
- Sina Nanay at Tatay – Sina nanay at tatay ang nadatnan ko sa sala ng umuwi ako.
- Sina Ate at Kuya – Nasaan sina Ate Mela at Kuya Josh?
- Sina Maria at Kenneth – Ang magkapatid na sina Maria at Kenneth ang kailangan sa ospital.
- Ang – ginagamit kapag ang pangngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari na tinutukoy ay iisa lang.
Halimbawa:
- Ang bata – Nandoon ako sa taas nang madapa ang bata.
- Ang aso – Nasaan ang aso ko?
- Ang Pasko – Ang pinakapaborito kong selebrasyon ay ang pasko.
- Ang mga – ginagamit kapag ang pangngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari na tinutukoy ay dalawa o higit pa.
- Ang mga bata – Ang mga bata ay naglalaro sa playground.
- Ang mga sasakyan – Naiipit ang mga sasakyan dahil sa matinding traffic.
- Ang mga hayop – Kawawa ang mga hayop sa zoo.