Alamin kung ano ang patriotismo at kung paano ito maipapakita sa gawa.
ANO ANG PATRIOTISMO? Ano nga ba ang kahulugan nito? Ano ang kaibahan nito sa nasyonalismo at paano ito maipapakita sa gawa at sa kapwa?
PARA SA BAYAN. Kadalasan, kapag naririnig natin ang kataga na patriotismo, ang unang kaisipan na sumasagi sa ating isipan na ito at tungkol at para sa bayan. Subalit ano nga ba ang kahulugan nito? Bakit ito mahalaga? Paano natin ito maipapakita sa ating sarili, sa bayan, at sa ating kapwa?

Ito ay tumutukoy sa ating pagmamahal sa bayan at pagbibigay respeto sa ating bansa, kasarinlan, watawat, at lahat ng mga tao o likas na yaman na nakapaloob dito. Maipapakita natin ang ating pagmamahal sa bayan sa napakaraming paraan tulad ng pagsuporta, pagtatanggol, at pagpapahalaga sa kultura, kasaysayan, at kalayaan ng bansa.
Nasyonalismo at Patriotismo
Ang nasyonalismo ay “isang sistema o ideolohiya na nagpapakita ng katapatan sa bansa at pagiging makabansa” habang ang patriotismo ay ang ating pag-ibig sa bansa. Ito ang pagiging makabayan kung saan ang isang tao ay handang magsakripisyo para sa kapakanan ng kanyang bansa at kapwa mamamayan.
Paano maipapakita ang ating pagmamahal sa bayan?
- Paggamit ng sariling wika.
- Pagrespeto at pagsunod sa batas ng gobyerno.
- Pagbigay respeto sa mga opsiyal ng gobyerno.
- Pagtangkilik at pagsuporta sa mga lokal na produkto.
- Pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan.
- Paglahok sa halalan.
- Pag-aws sa mga gulo na makakasama sa reputasyon ng bansa.
- Pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng mga sakuna.
- Pag-alaga sa mga likas na yaman ng bansa.
- Pagkakaroon ng disiplina upang mas mapaunlad ang bansa.
Mahalaga ang patriotismo dahil isa itong malaking dahilan para mapalakas ang pagkakaisa at malasakit ng mga tao sa bansa. Maliban sa pagtitibay ng pagkakaisa, ito rin ay nagpapalakas ang identidad ng bansa, nagpapalakas ng ekonomiya, napapalaganap ang kaayusan at kapayapaan, natutulak ang pag-unlad, at napapalakas ang depensang pambansa.