Alamin ang dalawang anyo ng panitikan at mga halimbawa nito.
ANYO NG PANITIKAN – Ang panitikan ay “literature” sa Ingles at ito ang dalawang anyo nito at mga halimbawa para mapalawak ang iyong kaalaman.
Ang panitikan ay mula sa salitang “pang-titik-an”. Ito ay tumutukoy sa mga akda na nakasulat na naglalahad at naglalarawan ng mga karanasan, emosyon, kaisipan, at iba pang mga konsepto na nais ilahad ng may-akda. Ang akdang ito ay nagsasaad ng mga kwento o saysay tungkol sa buhay, kultura, pamahalaan, relihiyon, at iba pa na binibigyang kulay ng mga damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, galit, kasiyahan, at pangamba.
Sa Ingles, ang panitikan ay “literature” at ang salitang ito ay nagmula sa Latin na “littera” na nangangahulugang titik.
Bakit mahalaga na pag-aralan ang panitikan?
Isa sa mga dahilan para pag-aralan at alamin ang panitikan ng ating bansa ay para makilala natin ang kalinangang Pilipino at malaman ang minana nating kaisipan at katalinuhan na taglay ng ating lahi. Sa pag-aaral nito, nalalaman din natin na ating kagalingan sa pagsulat at pagsikapan na mas mapagbuti at mapaunlad ang ating mga kakayahan.
At higit sa lahat, tayo ay mga Pilipino na mapagmahal at mapagmalasakit. Mahal natin ang ating kultura dahil higit kanino man, tayo ang nararapat na magpahalaga ng sariling atin.
Ang dalawang anyo
- PATULA – Ito ay binubuo ng mga maaanyo o mabulaklak na mga salita na may sukat ang pantig at ang mga salita ay may pagtutugma sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang dito ang tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan.
- Mga Tulang Pasalaysay
- Awit At Korido
- Epiko
- Balad
- Sawikain
- Salawikain
- Bugtong
- Kantahin
- Tanaga
- TULUYAN o PROSA – Ito ay binubuo ng mga malalayang salita na pinagsasama-sama sa pangungusap. Walang pigil o hindi limitado ang paggawa ng may-akda.
- Alamat
- Anekdota
- Nobela
- Pabula
- Parabula
- Maikling Kwento
- Dula
- Sanaysay
- Talambuhay
- Talumpati
- Balita
- Kwentong Bayan