Ano ang mga anyong lupa at mga katangian nila?
ANYONG LUPA – Alamin ang mga katangian ng Kapatagan, Bundok, Bulubundukin, Bulkan, Burol, Lambak, Talampas, at Tangway.
Ang mundo ay binubuo ng iba’t ibang mga anyo ng tubig at lupa. Mayroon tayong mga karagatan, ilog, lawa, sapa, at marami pang iba. Dito tayo kumukuha ng likas na yaman na kailangan natin sa pang-araw-araw at sa sulating ito, aalamin natin ang mga anyo ng lupa at katangian ng mga ito.
Mga anyong lupa:
- Kapatagan – Ito ang anyo kung saan ang lupa ay patag at malawak na mainam taniman ng palay, mga gulay, at iba pa. Kadalasan, ito ay ginagamit sa pagsasaka.
- Bundok – Ito ay mataas at matarik. Ang pinakatanyag at pinakamataas na bundok sa buong mundo ay ang Mt. Everest.
- Bulubundukin – Ito ay binubuo ng mga magkakahanay na pagtaas ng lupa. Ang mga ito ay mas mataas at matarik kumpara sa bundok.
- Bulkan – Ito ay parang bundok na may butas o puwang sa ibabaw. Malaki ang pagkakaiba nito sa bundok dahil ang isang bulkan ay naglalabas ng mga materyales tulad ng mga tinunaw na bato (magma), gas, abo, at lava kapag sumabog na nakakaapekto ng maraming tao. Ang isang aktibong bulkan ay mapanganib.
- Burol – Ito ay mas mababa kumpara sa bundok at hindi matarik. Karaniwan, ang isang burol ay may matatag na porma at amasalas din na ginagamit sa pagsasaka. Halimbawa sa Pilipinas, ang Chocolate Hills sa Bohol ay isang tanyag na tourist spot dahil ang lugar ay binubuo ng higit sa 1,200 na maliliit na burol na pantay-pantay ang porma.
- Lambak – Ito ay isang mababang lugar sa pagitan ng mga bundok o burol. Kadalasan, dito nagmumula ang ilog at mataba ang lupa na mainam at angkop sa pagsasaka.
- Talampas – Isang malawak at patag na lupa na matatagpuan sa mataas na lugar, tulad ng mga bundok o burol. Ito ay mabubuo sa pamamagitan ng pagputok ng bulkan o natural na erosion o pagkabasag ng mga lupa. Karaniwan na maganda ang klima at tanawin sa mga lugar na ito.
- Tangway -Ito ay isang piraso ng lupa na nakausli na parang peninsula pero hindi ganoon kalapad. Sa Pilipinas, isang halimbawa nito ay ang Tangway ng Bataan na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon. Ito ay naghihiwalay sa Subic Bay mula sa Manila Bay.