Ano ang mga iba’t ibang aspekto ng pandiwa? Alamin at pag-aralan.
ASPEKTO NG PANDIWA – Ito ang bahagi ng pananalita na nagpapakit ng kilos o galaw at ito ang tatlong aspekto nito.
Ang pandiwa o verb sa English ay mga salita na nagpapakita ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop. Karaniwan, ito ay binubuo ng salitang ugat at panlaping makadiwa. Ang pandiwa ay ang mga salitang nagbibigay-buhay sa isang pangungusap o salaysay. Ang mga galaw na ito ay maaring nagawa na, ginagawa pa lamang, o gagawin pa at ang tawag sa mga ito ay ang kanyang aspekto. At sa partikular na bahagi ng pananalita na ito ay mayroong tatlong aspekto.
Tatlong aspekto (Tenses Of Verb)
- Perpektibo (Past Tense) – Ang perpektibong aspekto ay sinasaad na tapos na galaw o kilos. Ito ay binubuo ng isang salitang ugat na may panlaping “nag-”, “um-”, “nan-”, “-in”, “ni-”, “na-’, at “-an”.
Mga halimbawa:
- Nagsayaw
- Kumanta
- Sinipot
- Tinanghal
- Nagpunta
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Hindi ako sinipot ng aking kausap.
- Nilimas ng magnanakaw ang aking bag.
- Saan ka ba nagpunta at bakit ang dumi-dumi mo?
- Imperpektibo (Present Tense) – Ang imperpektibong aspekto ay sinasaad na ang kilos o galaw ay ginagawa pa lamang. Maari din itong tawagin pangkasalukuyang aspekto at may kasamang panlaping “nag-”, “ni-”, “-in-”,”um-”, “na-”, at “-an” at nauulit ang unang pantig ng salitang ugat.
Mga halimbawa:
- Umaakyat
- Nayayamot
- Naglalaba
- Naghahanda
- Nakikita
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Nayayamot na siya sa aking mga biro.
- Nakikita ko na ang barko.
- Nagmamaneho ako ng sasakyan ngayon.
- Kontemplatibo (Future Tense) – Ang kontamplatibong aspekto ay sinasaad na ang kilos o galaw ay nagaganap o gagawin pa lamang. Sa kadalasan, ang unang pantig ng salitang-ugat ay inuulit kasama ang mga panlaping “mag-”, “ipag-”, “maka-”, at “naka-”.
Mga halimbawa:
- Maghuhugas
- Maglalaba
- Maglalakad
- Ipagluluto
- Magsasaing
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Maglilinis pa lang ako ng bahay.
- Ipagluluto ka ba ang nanay mo?
- Makakasama ka ba sa bakasyon sa susunod na taon?