Ano ang mga bahagi ng pahayagan? Alamin at pag-aralan!
BAHAGI NG PAHAYAGAN – Ang pahayagan ay kilala isang diyaryo o peryodiko at ito ang mga bahaging nilalaman nito.
ANO ANG PAHAYAGAN? Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas. Ito ay mahalaga dahil sa nagbibigay ito ng mga impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa lipunan at iba pa. Ito ay nagsasaad din ng mga impormasyon tungkol sa mga patalastas at iba pang mga interesanteng bagay.

Araw-araw iniimprenta ang isang pahayagan kapalit ang murang halaga. Ito ay may dalawang uri: broadsheet at tabloid.
- Broadsheet – isang pormal na uri ng pahayagan na nakaimprenta sa isang malaking papel. Ang mga salita ay nakasulat sa English na wika. Malawak ang saklaw nito at bukod sa lokal na mga balita, ito ay naglalaman din ng mga balita tungkol sa ibang bansa.
- Tabloid – isang impormal na uri ng pahayagan na mas maliit at mas kaunti ang mga nilalaman kumpara sa broadsheet. May mga salitang balbal na napapaloob sa mga nakasulat.
Mga bahagi:
- Pangmukhang Pahina o Front Page – dito makikita ang pangalan ng pahayagan at ang mga mahahalagang balita.
- Balitang Pandaigdig – sa pahinang ito makikita ang mga balitang nagaganap sa ibang bahagi ng mundo.
- Balitang Panlalawigan – ito ay naglalaman ng mga balita tungkol sa mga lalawigan sa ating bansa.
- Pangulong Tudling o Editoryal – dito mababasa ang mga kuro-kuro o mga puna tungkol sa mga napapanahong paksa o isyu.
- Balitang Komersyo – dito mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, at komersyo.
- Balitang Isports – ito ang bahagi na naglalaman ng mga balita tungkol sa mga isports.
- Editoryal Kartun – isang anyong politikal cartoon na nakabatay sa isang pangyayari na napapanahon.
- Panlibangan – dito makikita ang mga balita tungkol sa mga artista, pelikula, at iba pang mga nakakaliban na paksa.
- Anunsiyo Klasipikado – dito makikita ang mga patalastas at mga anunsiyo tungkol sa trabaho, pagbebenta, pagbili ng bahay, at iba pa.
- Obitwaryo – ang pahinang ito ang may mga anunsyo tungkol sa mga taon namatay na at mga impormasyon kung saan ito nakaburol at kailan ang libing.