Bahagi Ng Pangungusap At Ayos Ng Pangungusap

Ano ang mga ayos at bahagi ng pangungusap?

Alamin at pag-aralan ang mga ayos at bahagi ng pangungusap, at mga halimbawa para mas mapaibayo ang kaalaman.

ANO ANG PANGUNGUSAP? Ito ay “isang yunit ng wika na nagpapahayag ng isang kaisipan, karanasan, damdamin, at iba pang impormasyon”. Ito ay isang kalipunan ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa, at sa Ingles, ito ay tinatawag na “sentence.”

Bahagi Ng Pangungusap

Ito ay isang mahalaga na aspeto sa wikang Filipino at sa artikulong ito, alamin ang mga bahagi at ayos nito.

BAHAGI NG PANGUNGUSAP

May dalawang bahagi ng pangungusap: SIMUNO at PANAGURI.

SIMUNO – Ito ang nagsasaad Kung ano at sino ang paksa. Kadalasan, ito ay nasa unahan ng pangungusap pero maari rin itong matagpuan sa ibang bahagi tulad ng gitna o hulihan.

Halimbawa:

  1. Ang bata ay sumasayaw.
  2. Nagpaabot ng tulong pinansyal si Mayor Torres.

PANAGURI – Ito ang bahagi na nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa simuno at ito ay maaring isang aksyon, katangian, o kondisyon. Kadalasan, ito ay matatagpuan kasunod ng simuno.

Halimbawa:

  1. Ang bata ay sumasayaw.
  2. Nagpaabot ng tulong pinansyal si Mayor Torres.

Mga karagdagang halimbawa:

PangungusapSimunoPanaguri
Ang mga ibon ay umaawit.Ang mga ibonumaawit
Si Dos ay tumatahol.Si Dostumatahol
Si Andres Bonifacio ay isang bayani.Si Andres Bonifacioisang bayani
Ang pusa ay namatay.Ang pusanamatay
Si tatay ay malakas pa.Si tataymalakas pa
Ang babae ay umuungol sa sakit mula sa bugbog.Ang babaeumuungol sa sakit mula sa bugbog

AYOS NG PANGUNGUSAP

KARANIWANG AYOS – nauuna ang panaguri sa simuno

Halimbawa:

Mabait siyang bata ng kanyang mga magulang.
(Mabait – panaguri; Bata – simuno; kanyang mga magulang – panaguri)

DI-KARANIWANG AYOS – nauuna ang simuno at kapansin-pansin ang panandang “ay”

Halimbawa:
Ako ay isang mabuting bata.
(Ako – simuno; isang mabuting bata – panaguri)

Mga karagdagang halimbawa:

Karaniwang AyosDi-karaniwang Ayos
Pumunta ng palengke ang magkapatid.Ang magkapatid ay pumunta ng palengke.
Namatay ang sundalo sa giyera.Ang sundalo ay namatay sa giyera.
Naghati ang mga bata sa tinapay.Ang mga bata ay naghati sa tinapay.
May digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.Ang dalawang bansa ay may digmaan.

Leave a Comment