Bakit Mahalaga Ang Agrikultura? Alamin Ang Mga Sagot

Alamin kung bakit mahalaga ang agrikultura? Ito ang mga dahilan.

BAKIT MAHALAGA ANG AGRIKULTURA? Ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang agham na ito sa lipunan.

Ano ang agrikultura? Ito ang sining o agham kung saan napapaloob ang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop. Ayon sa Artikulo XII Seksyon 1 ng 1986 Konstitusyon ng Pilipinas, “Dapat itaguyod ng estado ang industriyalisasyon at pagkakataon na makapaghanapbuhay ang lahat batay sa mahusay na pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang pansakahan”.

Bakit Mahalaga Ang Agrikultura

Ang iba’t ibang mga sektor ng agrikultura ay:

  1. Paghahayupan – Pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, baboy, itik, pabo, at baka.
  2. Pagsasaka – Ito ay pananim ng Pilipinas na katulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, at iba pa.
  3. Pagtotroso – Ang legal na pagputol, pagkalso, pagproseso, at pagkarga ng mga puno o troso sa mga trak para magamit bilang hilaw na materyal.
  4. Pangingisda – Isang paraan ng pamumuhay sa Pilipinas na ginagawa sa iba’t ibang anyo ng tubig tulad ng lawa, ilog, at dagat.
  5. Pagmamanukan – Ang manok ang isa sa mga pinakamalaking konsumo ng mga tao at ang pagmamanukan ang pagsasaka ng manok kung saan nakakakuha tayo ng karne at itlog bilang pangkain.
  6. Pagmimina – Kung saan kumukuha ng mga produktong mineral.

Bakit mahalaga ang agrikultura? Ano ang mga pangunahing dahilan kung bakit ito ay kailangan ng bansa? Ano ang mga kontribusyon nito sa ekonomiya ng Pilipinas?

  • Dito nagmumula ang ating mga pagkain. Ang agrikultura ang nagsu-suplay ng pagkain tulad ng bigas, mais, gulay, prutas, karne, at isda. Kung wala ito, walang pagkain ang mga tao. Kung may agrikultura, tiyak na may pagkain ang mga Pilipino sa kanilang hapag. Higit sa lahat, kapag sapat ang lokal na produksyon ng pagkain, hindi kailangang umasa sa imported goods.
  • Nagbibigay ng kabuhayan sa maraming tao. Marami ang umaasa sa pagsasaka, pangingisda, at paghahayupan bilang pangunahing hanapbuhay.
  • Dito nanggagaling ang mga hilaw na materyal para makagawa pa ng iba pang mga produkto. Dito nanggagaling ang bulak para sa tela, tubo para sa asukal, niyog para sa langis, at marami pang iba.
  • Bilang isang pangunahing sektor ng ekonomiya, nakakatulong din ito para umunlad din ang ibang sektor gaya ng industriya at serbisyo.
  • Nagbibigay ng maraming export sa bansa at dahil dito, nakakakuha ng dolyar ang bansa.

Leave a Comment