Ano ang mga balbal na salita? Ito ang mga halimbawa.
BALBAL NA SALITA – Ito ang mga salitang itinuturing na di-pormal o kolokyal at ito ang mga halimbawa na mga salita.
Ang balbal o islang ay tinatawag na salitang kanto o salitang kalye. Ito ay ng di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika. Ito ay kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap. Bilang isang wika na madalas ginagamit, ito ay mahalaga dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

- May dinamismo ang wika na nagpapakita na buhay ang wika at patuloy na nagbabago kasama ang panahon ayon sa uso at pangangailangan ng wika.
- Ito ay ginagamit para magpahayag ng pagkakakilanlan ng isang grupo at nagpapakita ng pagkakaiba sa iba.
- Mas mabilis at mas magaan ang pakikipag-usap sa loob ng isang grupo.
- Ito ay sumasalamin sa kalagayan ng panlipunan dahil kadalasan, ang mga salitang ito ay nagmula sa karanasan at realidad.
- Ito ay bahagi ng kasaysaya.
Mga halimbawa
- syota – kasintahan
- datung – pera
- olats – talo
- todas – patay
- sikyo – guwardiya
- purita – mahirap
- erpat – ama
- ermat – ina
- yosi – sigarilyo
- tsimay – katulong
- baliw – may sira sa ulo
- kosa/pare – kaibigan
- Pinoy – Pilipino
- tsekot – kotse
- gasmati – matigas
- adidas – paa ng manok
- goli – ligo
- tipar – handaan
- resbak – kasamahan
- parak – pulis
- chong – tiyo/tsong
- tsismis – usap-usapan
- repapits/pards/bok – tawagan ng mga magbabarkada
- dehins – hindi
- bakokang – peklat
- utol – kapatid
- arbor – hingin ng libre
- sisteret – kapatid na babae
- chibog – pagkain
- dyogs – parte ng katawan ng babae
- pak ganern – pak ganon
- wa epek – walang epekto
- akech – ako
- pulbo – powder
- amats – may tama, naka-inom ng alak
- charot/charr – joke lang
- chaka – hindi maganda
- dabyana – mataba o may kabilugan ang katawan
- fes – mukha
- pudra/fadir – tatay o ama
- mudra/mader – nanay o ina
- japorms – porma o damit
- kalokalike – magka-wangis o magkamukha
- maharot – malikot
- malabs – mahal ko
- keribels – kuha mo ba?
- masharap – masarap
- okray – akto ng pagbibiro
- patok – kasalukuyang moda
- payatot – manipis ang pangangatawan
- pipol – mga tao
- sinetch itey – sino ito
- swak – husto o eksakto
- tsikiting – mga bata
- kabit – taong kinakasama bukod sa asawa
- Kano – mga taga amerika
- emo – emosyonal
- chong/chang – tiyo/tiya
- chika – sabi
- asungot – istorbo, hadlang o panggulo
- bebot – dalaga