Buod Ng Cupid At Psyche (Isang Klasiko)

Basahin ang buod ng Cupid at Psyche, isang klasikong kwento.

BUOD NG CUPID AT PSYCHE – Ito ay isang klasikong kwento mula sa panitikang Griyego na nagsasalaysay tungkol sa pag-ibig, pagsubok, at katapatan.

Si Psyche ay isang na napakaganda at siya ay kinaiinggitan ng diyosang si Venus. Dahil sa inggit, iniutusan ni Venus ang kanyang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Pero iba ang kinalabasan ng lahat nang makita mismo ni Cupid si Psyche.

Sa pagsusuri, ang kwento ay may tema tungkol sa tunay na pag-ibig, sakripisyo, pagkakamali, at hindi pagsuko. Ito ay nagtuturo na ang tunay na pag-ibig ay sinusubok, ang tiwala ay isang mahalagang pundasyon ng matatag na relasyon, at ang paghihirap ay bahagi sa pag-abot sa tunay na kaligayahan.

Buod Ng Cupid At Psyche

Basahin ang buod ng kwento:

Ito ay nagsimula sa kay Psyche na pinakabunso at pinakamagandang babae sa kanilang tatlong magkakapatid. Itinutulad ang ganda niya sa mga diyosa sa punto na ang mga nabighani sa ganda niya’y sinasamba siya at hindi kay Venus na diyosa ng pag-ibig sa dahilan nila na reinkarnasyon ni Venus si Psyche.

Dahil dito, isinugo ni Venus ang anak niyang si Cupid para panain siya para magmahal sa isang napakapangit na nilalang. Subalit, dahil nabighani rin si Cupid sa ganda ni Psyche, itinurok niya ang kanyang daliri sa kanyang pana para iibigin ang dalaga.

Ang ama ni Psyche ay nagkonsulta sa orakulo ni Apollo pero sabi ng orakulo ay iiwanan si Psyche sa bangin para kunin siya ng isang nilalang na parang dragon.

Nang maiwan na si Psyche, idinala siya ni Zephyr, ang dios ng hangin, para dalhin siya sa kanyang itinadhana. Pinayagan niya ang kanyang sarili na anyayahin siya sa kwarto na di niya alam kun sino ang kanyang asawa.

Dahil nagtaka siya kun ano ang anyo ng kanyang asawa, nagdala siya ng isang sundang at lampara para patayin niya ito kung isa siyang halimaw. Ngunit nagulat siya nang nalaman niyang si Cupid ang asawa niya sa punto na nahulog ang lampara at nasunod si Cupido, na umalos sa huli.

Hinanap ni Psyche si Cupid sa punto na humarap siya kay Venus. Inilagay siya ng diyosa sa tatlong gawaing napakaimpossible. Nagtagumpay siya sa tatlong gawain at patungo na siya sa huling gawain.

Ang huling Gawain ay magtungo sa mundong ilalim at kunin ang isang katas ng kagandahan ni Prosepina. Nang akuha niya ito’y bumalik siya sa luklukan ni Venus. Nang buksan niya ito’y hindi ito ang katas ng kagandahan ni Proserpina kundi isang katas ng Stygian sleep.

Tumungo si Cupid sa kanyang natutulog na asawa at binigyan ito ang ambrosia para maging imortal si Psyche. Pagkatapos nanganak si Psyche at tinawagan niya itong “Pleasure”.

Leave a Comment