Ito ang buod ng Florante at Laura, isang tanyag na epikong tula.
BUOD NG FLORANTE AT LAURA – Ito ay isinulat ni Francisco Balagtas at isa sa mga pinakamahalagang akda sa panitikan ng Pilipinas.
Ang “Florante at Laura” ay isang klasiko na may tema ng pag-ibig, katapangan, pagkakaibigan, at pagtataksil. Ang kwento ay isang kathang-isip na nagsimula sa Albanya at nakatuon sa dalawang tauhan na nag-iibigan – si Florante at Laura. Bilang isang mahalagang bahagi ng panitikang Pilipino, ito ay patuloy na pinag-aaralan sa mga paaralan.
Basahin ang buod ng kwento:
Buod Ng Florante At Laura
Si Florante ay anak nina Duke Briseo at Princesa Floresca. Noon ay ipinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aaral at si Antenor ang kanyang naging guro doon.
Si Florante at Menandro ay nagkakakilala sa Athena. Naging matalik silang magkaibigan. Bukod kay Menandro, ang akala ni Florante ay kaibigan rin niya si Adolfo – isang lihim na kaaway.
Minsan sa paaralan ang nagtanghal sina Florante at Adolfo. Muntik na siyang mataga ng lihim niyang kaaway at mabuti na lamang at nailigtas siya ni Menandro.
Umuwi si Florante sa kanila sapagkat namatay si Princesa Floresca. Nagwagi siya laban kay Heneral Osmalik na sumakop sa Krotona. Nailigtas rin niya si Laura na naging kasintahan niya.
Subalit, naagaw ni Adolfo ang trono ng Albanya at pati na rin si Laura mula sa hukbo ni Aladin. Labis na nasaktan si Florante sa pagtataksil raw ng kasintahan sa kanya.
Isang araw, nasa gubat si Florante at nakatali siya sa puno. Mayroon ring dalawang leon na pwedeng pwede siyang lamunin ano mang oras. Mabuti na lamang at may dumating na moro.
Iniligtas ng moro si Florante at dinala sa kanila. Ikinuwento ni Florante ang pinagdaanan niya sa buhay at kung paano niya nailigtas si Laura mula sa mga hukbo ni Aladin.
Buong tapang na sinabi ng moro ang totoo na siya si Aladin. Nagkwento siya ng kanyang karanasan at higit pa pala ito sa naranasan ni Florante. Iniwan rin siya ng kasintahang si Flerida at ang ama pa niya ang umagaw ng kanyang nobya.
Pagkatapos nilang magkwentuhan, narinig nilang may dalawang babaeng nagkukwentuhan sa labas. Yun pala ay sina Laura at Flerida na nagtagpo rin habang tumatakas sa mga lalaking tumangay sa kanila.
Doon napagtanto nina Florante at Aladin na hindi sila pinagtaksilan ng kani-kanilang mga kasintahan.